Chapter 39

46 4 1
                                    

Two days akong hindi muna lumabas matapos kong makasalubong si Cedric. I just couldn't get his curious eyes away from my mind. Pakiramdam ko, alam niyang ako 'yon. Wala pa akong alam. Hindi ko alam kung may pinagsabihan ba si Carolina tungkol sa akin. Cedric is her brother kaya baka nasabi niya. 

Within that two days, sa internet lang ako tumitingin tingin ng impormasyon. Though it didn't help at all. Makikita lang sa internet ang mga achievement ni Franklin, not his daily schedule. 

Kaya nang matapos ang dalawang araw at sa apartment lang ako, lumabas ulit ako kinabukasan. 

Hindi na ako pumunta sa kumpanya o sa hotel. Nakapunta na ako dati sa mansion nina Franklin kaya doon ko nagpasyang pumunta. Sa taxi palang ay kinakabahan na ako. Pero mas nanaig ang kaba ko kapag naiisip kong lumilipas ang araw at hindi ko pa nakikita ang baby ko. 


Sa malayo ko pinahinto ang taxi. And from where I am, kita ko ang gate nilang hinaharangan ang kung ano man ang nasa loob ng malaking bahay. The thing is, mahahalatang nagmamanman ako dahil ang ibang bahay matapos ang mansion nila ay kilometro pa ang layo. Everyone will assumed I'm spying the mansion kasi iyon lang ang bahay sa lugar. 



Pero dahil wala akong nakikitang guard sa labas ng gate, nagawa kong lumapit. I'm still wearing my sunglasses and mask. Mas kahinahinala pero ayaw ko namang may makakilala sa akin kaya wala akong choice. 

Tanaw sa labas ng gate ang malawak na purtiko ng mansion. It was empty but I saw a househelp go out of the mansion. Lumiko siya sa may kanan kaya nawala din siya sa paningin ko. 

Kulang nalang ay mabali ang leeg ko sa paninilip. May mga nakikita akong tao pero puro mga kasambahay lang. Dahil sa paninilip, hindi ko namalayang may sasakyan nang nakapark sa likod ko. 

I was so startled when it beeps. Natataranta akong lumingon sa likod ko. May dalawang sasakyan. Yong sport car ang bumusina sa akin pero 'yong SUV sa likod ng sport car, nagsimulang magsilabasan ang sakay non. Nanginig ang tuhod ko nang mapagtantong mga bodyguard 'yon. They immediately went to me and within a blink of an eye, they were holding me tight. 

And then my shiver doubled when the one in the sports car exited the car. Kilalang kilala ko siya. Siya 'yong kapatid ni Franklin. Agad kumalabog ang puso ko. He was scowling when he saw me restrained. 

"Who are you? Anong ginagawa mo dito?" ma-autoridada niyang tanong. His eyes were menacing. 

Sinubukan kong kumalas pero ang mamacho ng mga bodyguard na nakagapos sa akin. Wala akong laban sa kanila. 

Franklin's brother glared at me. 

"Remove her sunglasses and mask!" galit niyang utos. 

I tried to hide my face pero isang hablot lang, tanggal ang mask ko at ng sunglasses ko. My heartbeat increases. Nanginig ang tuhod at ng katawan ko. 

Now that he saw me, papatayin na niya ako. The terror started to eat me. I'm really sure I'm doomed. 

Hindi ko na mapagtuunan ng pansin ang nangyayari. Sa kalagitnaan ng panginginig ko at paghahabol ng hininga, narinig ko ang malutong na mura ng lalaki. 

And then the next thing I knew I'm inside the mansion. Everything was just blurry to me. Dahil siguro sa sobrang panginginig kaya hindi ko namalayang nasa loob na ako. No more sunglasses and mask. 

The only thing that made me a bit calm is that I'm not restrained anymore. Wala na din ang mga bodyguard sa gilid ko. In fact ako lang ngayon ang tao sa malaking living room ng mansion. Kaya unti unti akong kumalma. 

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon