Chapter 36

58 3 1
                                    

Cherry's P.O.V

Kita ko ang maraming taong dumarating dahil sa party ng RAVENS. This one is very much anticipated kasi ito lang ang iilang party ng RAVENS na dinaluhan ni Franklin. Kita ko ang excitement sa mga mukha ng mga business men and women just because they were able to attend the party. 

Dati nang maraming gustong kumausap kay Franklin para sa mga business nila pero hindi sila mapagbibigyan kasi hindi na siya active sa mga party simula ng mamatay si Sierra, his ex girlfriend. 

I could still remember when I got to know that news, na girlfriend niya pala ang salarin ng pagka ambush niya. Una ay RAVENS pa ang nakakaalam and then eventually, when Franklin's relationship with the RAVENS got scars, nalaman din ng mga tao. Maraming nakisusyo kung bakit daw hindi na maganda ang tratuhan ni Franklin at Felix sa isa't isa. Kaya nalaman din na ang dahilan ay ang pagkamatay ng girlfriend ni Franklin. Natigil ang pagbibintang kay Sierra tungkol sa pagiging mastermind ng ambush ni Franklin dahil hindi daw totoo 'yon. 

Since then, bihira na lang nakikita si Franklin sa mga events. Pero may nakakapag sabi na minsan daw ay nakikita siya sa subic. Exactly the place where Sierra got into an accident. It's been four years and he's still living in the past. 

The only person he remains acquainted with is Elijah. Kaya marami ang lumalapit kay Elijah, nagbabakasakali na matulungan niya sila para magka appointment kay Franklin but it's still no avail. 

He was distant to all people. He wants to be alone in his own thoughts. Kapag nakikita siyang malalim ang iniisip, better not disturb him. 

Palabas na ako sa kotse ko nang makita kong may tumigil na SUV sa tapat ng building kaya hindi muna ako pumasok. Nanatili akong nakatitig sa tinted na kotse. Laking gulat ko nang makita ko si Franklin. Siya ang sakay ng SUV at ang pormal ng suot niya. He was not smiling nor scowling. He just screamed intimidation and authority. 

Medyo natagalan siya sa labas dahil sa mga media'ng gustong kumuha ng picture at interview. Marami ang nakatingin sa kanya dahil agaw pansin siya. Hindi siya palagi nakikita ng mga tao kaya understandable ang pagka curious nila sa kanya. 


I was watching the whole scene when suddenly, a car in front of me opened. Nakapark sa unahan ng kotse ko ang bumukas. Nakita kong may lumabas na bata doon. He was holding a notebook at kita kong titig na titig siya sa kung saan ako kanina nakatingin. 

I saw how he looked down at his notebook at saka ulit tumingin sa unahan namin. I wanted to see his face pero nauunahan niya ako at nakatalikod siya sa akin. I looked at the car where he came from and it was empty. Siya lang ang tao sa kotse. 


Nang papasok na si Franklin, hindi ko inasahan ang ginawa ng bata. He left the car where he come from at agad na tumakbo papunta sa building. I got scared for him. He's too little to roam around. At nasaan ba ang magulang niya? 

Agad akong sumunod sa bata. Nasa bulwagan ako nang makita kong nakalusot siya sa mga bodyguard. There was a couple who was in front of him at nang pumasok ang dalawa, sumabay ang bata. He dress nicely kaya akala siguro ng bodyguard ay anak ng dalawa 'yon. Still, how could they assume thing?

Nang ako na ang papasok, hinanapan ako ng ID at masusing inimbestigahan bago papasukin. 

Maraming tao sa paligid pagpasok ko. All were dressed nicely and elegantly. Sa dami ng tao ngayon, hindi ko alam kung mahahanap ko ba ang bata. Yong kotseng pinagmulan niya, halatang hindi imbitado sa party. I can tell that the boy was supposed to wait inside. He just left the car because he saw something interesting. Hindi ako sigurado pero feel ko, ang tinititigan niya kanina ay si Franklin. 

Her Twisted MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon