Chapter 24: Naglilihi

5 0 0
                                    

Kyle's POV

Malapit na kami sa bahay at mahigpit ang hawak ni Kaye sa kamay ko. Halatang kinakabahan ang babaeng ito.

Pagtingin ko sa kanya napakunot ang noo ko. Shit. She's biting her lip.

"Hey don't do that."

"Don't do what?" Tingin niya sakin.

"Stop biting your lip. It makes me want to kiss you." Agad naman niyang itinigil yun. Nakaka-distract kasi yung labi niya.

"Sorry. I'm just really nervous."

"Hahaha. Mas kinakabahan ka pa sakin? Ako kaya yung kakausap. Hindi naman ikaw."

At tumigil na yung sasakyan. Pagpasok namin sa pinto ng bahay nila nasa living room sina Tito. Agad naman silang napatingin sa kamay namin.

"Baby, taas ka muna." Bulong ko sa kanya. Tumango lang siya at pumunta sa kwarto niya. Masyadong nerbyosa.

"Ano yung sasabihin mo ijo?" Tanong ni tito na malaki ang ngisi ngayon.

"Ahh. Tito, Tita. I just want to ask your permission po. Gusto ko po si Kaye, actually mahal ko po siya at alam ko pong alam niyo yun. Kung papayag po kayo, liliwagan ko po sana siya."

Napangiti naman sila. "Syempre naman anak. Alam mo namang boto ako sa'yo! You have our full support. Galingan mo ha?" Sabi ni Tita.

"Mabuti naman at naglakas ka na ng loob aminin sa anak ko na mahal mo siya. Wag na wag mong sasaktan yun ha. May tiwala ako sa'yo pero pag pinaiyak mo ang prinsesa ko ako na ang haharapin mo."

"Opo tito. Naiintindihan ko po. Mahal na mahal ko po si Kaye. Kung masaktan man siya mas doble po yung sakit na mararamdaman ko." Napangiti naman si tito. With that, alam kong may kasunduan na kami.

"Sige. Dito ka muna, kakausapin ko muna yun. Sasabihin ko sagutin kana agad." Pabirong sabi ni Tito Rod.

Pagbaba ni tito kasama niya na si Kaye. "Sige na. Lapitan mo na. Nahiya ka pa."

Tiningnan lang ng masama ni Kaye sa tito tapos tumabi siya sakin sa sofa.

"Ikaw naman babae ka, bakit ba pahihirapan mo pang manligaw 'tong si Kyle. Sagutin mo na agad." Natawa naman ako dun. Nice one Tita Gissele!

"Moooom!"

"Oh what's happening here anak?" Kelan pa nakarating dito si mama?

"Kasi po Tita si mom." Sabi niya sabay beso kay mama.

"Kayo ha pinagtutulungan niyo na naman ang baby ko."

"Karla talaga. Kaya naspo-spoil yan eh, masyado mong bina-baby." Sabi naman ni tita.

"Hayaan mo na Sis. Yan din namang anak ko spoiled sa'yo kaya fair lang tayo."

"Ay tama ka diyan!" Sabay apir nilang dalawa. Napailing nalang kami ni Kaye. Hayyy. Ang mga nanay namin may sapi na naman. "Siya nga pala anak nag bake ako ng cookies mainit pa. Punta ka lang sa kitchen." Sabi sakin ni Tita.

"Kitams?" Sabi ni mama. Bagets na bagets talaga sila.

"Siya nga pala Karla, nasaan na si Rommel? Akala ko maggo-golf kami ngayon?"

"Papunta na yun. Nagbibihis lang siguro. Wait nga, bakit parang kumpleto ang main cast?" Nako. Ito na nga po. OA na naman ang reaction ni Mama pag nalaman na nanliligaw na ako.

"Kasi Sis finally! Nagpaalam ng manligaw si Kyle kay Kaye."

"TALAGA?" Nakakabingi ka naman ma! "Nako anak I'm so happy for the both of you. Buti naman at nagtapat ka na! Napaka-torpe mo din kasi." Ilaglag ba naman ako?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon