Kaye's POV
"Kaye ang laki mo na. I hope you can still remember me."
"Syempre naman po Tito Lance." sabi ko sabay beso kay tito.
"Hi Ate Kaye!" bati sakin ng isang magandang dalaga. Napanganga ako nung na-realize ko kung sino siya.
"Ohmygee! Aubrey? Ang laki mo na!" Ang laki niya na! 2 years ang age gap namin kaya ate ang tawag niya sakin. Nung bata pa kami lagi ko siyang hinahayaan na pag laruan yung buhok then after nun ako naman yung mag iipit sa kanya.
"Huhu na-miss kita ate!" sabi niya sabay hug sa akin. Mukhang matatangkadan niya na ako. Ang liit ko naman kasi.
"Ako din na-miss kita." Hmm. Puberty did her good. Ang ganda niya!
"How are you ate?"
"Okay lang naman ako. I'm still me. Ikaw ha, baka mamaya may boyfriend ka na." Tumawa naman siya.
"Wala. Hindi pa daw pwede sabi Daddy."
"Ahem." Sabi ni Dave na kakadating lang. Bigla ko namang naramdaman ang kamay sa hips ko.
"Miss me?" Sabi niya ng nakangisi.
"Anong miss me? Matapos mo 'kong iwan." Sabi ko sa kanya.
"And you really think that I won't come back for you?" Mas hinigpitan pa ni Kyle yung hawak niya sakin. Jealous? I don't know.
Ngumiti nalang ako. Napansin ko naman na napatingin siya sa katabi ko. "Uh- Dave this is Kyle. Kyle si Dave childhood friend ko."
Nag shake hands naman sila pero hindi pa din inaalis ni Kyle yung kamay niya sa hips ko.
"Uhm. Kailan ka pa umuwi?" Change topic. Mukha kasing nag iinit na 'tong katabi ko.
"Mga January. Mas nauna akong umuwi sa kanila kasi may kinailangan akong ayusin sa Met."
"Ahh. So ikaw pala ang namamala ng Met. Don't you think you're too young for that?" Sabi ni Kyle. Di talaga papaawat 'to.
"I agree. But my Dad trusts my skills." He said formally.
Umiinit na talaga. I need some air.
"Uhm. Excuse me. I have to go somewhere."
"Where?" Kyle
"Where?" Dave
Kailangan sabay? "The powder room." Nginitian ko nalang sina tito at umalis na.
Pagpasok ko sa cr biglang tumunog yung phone ko.
From Gaile:
I saw what happened. Gusto mo samahan kitang mag pagupit? Haba na kasi ng hair mo. Hihihi.
Baliw talaga. Hindi na ako nagreply. Magkikita naman kami mamaya sa hotel room. After kong mag freshen up imbis na sa function hall ako pumunta, dumiretso ako sa garden. Kita 'to mula sa room namin kaya lang hindi pa ako nagkaka-chance na puntahan. Wala din naman akong gagawin dun sa party at isa pa, gusto kong mapag isa.
Sobrang lamig pala dito, pero malilimutan mo din kaagad pag nakita mo na ang kabuuan nito. It's so beautiful. It's probably one of the best gardens I've been. May swing set kaya pumunta ako para makaupo. It's so cold and the wind is strong. I wish we have this kind of night in Manila. I'll miss this when we go back. I suddenly want to stay.
There are lots of things going on right now. There's Kyle, Dave came back, my dad's expectations, College and these stilettos they're literally killing my feet. I kicked one off kaya medyo napalayo pero okay lang puro grass naman kasi dito. Then the other one. What a rel--
"Aray!" Si Dave? Anong ginagawa niya dito?
"Okay ka lang?"
"I want to say yes, but I can't lie, heels kasi yung tumama sa tuhod ko." Sabi niya habang medyo natatawa pa. Ganun pa rin siya.
"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko. "Ayan tuloy natamaan ka pa."
"So ako pa yung may kasalanan?" He said with his left eye brow raised.
"Hindi naman. Kaya lang..." Bakit ko nga ba siya sinisisi? Natawa ako nung narealize ko na ganun pa rin kaming dalawa. Natawa na din siya.
"I guess some things are still the same." He said.
"Yup. You're still you."
"And you're still you, my princess." My princess. Oh shit.
"Sayo ba galing yung headband, pictures, ca--"
"Yup. I'm surprised na hindi mo pa din nahuhulaan until now. Akala ko matagal mo nang alam." So it's him.
"Sorry for being such a creep. But I really meant what I wrote there. Gusto kong bumawi sayo."
"Dave you don't have to."
"No, I have to. Kahit nandoon ako sa Canada, ikaw lang ang iniisip ko. Every single day. Akala ko malilimutan kita nung lumipat na kami sa New York pero hindi pa rin. So please hayaan mo lang akong makabawi. I missed you so much."
"I missed you too, but you really don't have to, naiintindihan ko naman nung umalis kayo. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob sayo. You're my one of my closest friends back then, oo nalungkot ako, pero kahit kailan hindi ako nagalit."
"Close friend lang ba? From what I remember you promised to marry me when we reach the right age." Haha naalala niya pa yun?
"Hahaha, Dave naman, we were so young back then. Hindi pa natin alam kung ano yung mga sinasabi natin."
"Siguro nga hindi mo alam noon, but I know what I said." He said seriously.
"Dave ilang taon na rin ba ang nakalipas? Marami nang nagbago. I'm sure bago na ang tastes mo, goals sa buhay, pati yung favorites mo."
"I agree, but not all. Like I still love Chicken Adobo, I still love basketball, I still love blue, and I still love you."
"Dave--"
"You don't have to say anything." He said.
"Hindi kasi Dave..." Pano ko ba sasabihin 'to?
"Ano?"
"Uh. Ano kasi. Uhm."
"Tell me."
"I love Kyle." Oh God I said it. I love Kyle. "I love him and I want to love him even more." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Tumingin siya sa taas, at huminga ng malalim. Pati ako napabuntong hininga din.
"I-I understand. But I want you to know na nandito lang ako. Kapag sinaktan ka niya, aagawin kita sa kanya. And I mean it."
"Baliw ka pa rin talaga." Sabi ko sabay batok sa kanya.
"Can I atleast have a hug?"
"Sure." I said then we hugged. Namiss ko ang prince ko. Kaya lang may bago na akong prince charming.
"So tell me, si Kyle ba ang nag alaga sa'yo habang wala ako?"
"Actually sila yung nakabili nung bahay niyo. Months after niyong umalis sila naman yung lumipat dun."
"Ahh. I guess the magic is in the house. Pag kaya bumalik na ako sa bahay na yun babalik ka na din sakin?" Haha engeng talaga 'to!
"Sira!"
Nagtatatawanam kami nung biglang may nagtext.
From: Babe
I love you but I guess you don't need me anymore.
Oh shit. "Dave kailangan ko lang hanapin si Kyle." Sinuot ko yung sapatos ko at agad na umalis. Tsaka ko nalang kakausapin si Dave. For now si Kyle muna.
I have to find him. NOW!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...