Chapter 19: What will you say?

26 0 0
                                    

Kyle’s POV

Nasasaktan akong makita siya ngayong umiiyak na naman. Pumikit ako para hindi ko makita ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.

“I truly am glad you’re in my life.”

Napamulat ako sa sinabi niya. She’s looking at me. Ayokong mag assume but is that statement for me? I wiped her tears and kissed her hair. Hindi ko alam kung bakit koi yon ginawa. Siguro ay instinct na rin ang nag tulak sakin.

Napatingin ako sa dalawang sumasayaw. Nakatingin sila sa aming dalawa at nakangiti. Nag thumbs up pa si Jan. umiling nalang ako at bumuntong hininga. So far, this has been the best valentines day of my life.   

Pagkatapos ng surprise ay umalis na kami ni Kaye. Ang maintenance daw ang bahalang mag linis. Tahimik at nakangiti ngayon si Kaye habang nakatingin sa labas ng sasakyan. I don’t get it. Kanina lang umiiyak siya, tapos ngayon nakangiti. I can’t read her mind. Please, let me read your mind.

“I told you, hindi mo kailangan tulungan si Jan para sa surprise. Nasaktan ka na naman.”

Napatingin siya sa akin at bumungisngis. Tingin ko ay kailangan ko ng tumawag sa mental. Kahit mahal ko ang babaeng ito ay hindi ko pa din siya kayang hayaan na mabaliw.

“What? Why are you laughing?”

“You really think na nasaktan ako?” Malaki ang ngising sabi niya. Seriously, what’s up with her?

“Don’t you dare deny it young lady, umiiyak ka kanina.”

“I’m not denying it DAD. Kapag ba umiiyak, automatic na nasaktan agad?”

“Hindi. Pero---“

“See? Those were tears of joy. I’m fine. At alam kong okay na ulit ang lahat. You just have to trust me.”

Tumango ako at ini-park ang kotse ko ng maayos. Pagkadating namin sa floor namin ay agad kong hinawakan ang braso niya at niyakap siya ng mahigpit. It’s funny how her little body fits perfectly into my arms.

“What was that for?” sabi niya habang natatawa. I looked straight into her eyes and finally saw the one thing that I thought will never come back. True happiness. Her eyes were jolly and sparkling again, not with tears, but with joy.

“Itigil na yan. Bakit kasi ayaw pang mag aminan, obvious naman.” Basag trip talaga ‘tong si Gaile. Nilingon siya ni Kaye at binigyan ng nagtatanong na tingin.

“Aminin ang ano?”

“Wala. Let’s go. Makikitulog ako ha? At ikaw, matulog kana!” sabi niya habang tinuturo ako. “Ang torpe mo.” Sabi niya bago tuluyang isinara ang pintuan ng unit ni Kaye.   

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon