Chapter 31: Hi I'm Nat!

5 0 0
                                    

Kaye's POV

Nandito kami ngayon sa coffee shop. Nami-miss ko na kasi ang hot choco sa Baguio. Sana next year bumalik kami ulit. Ang ganda kasi. Dati ang idea ko lang sa Baguio ay strawberries at mga kabayo pero iba pala pag nandoon ka na.

"Baby let's go?" Sweet diba?

"Wait uubusin ko lang 'tong hot choco." Hindi pa rin namin nasasabi kina Daddy na kami na. I sort of want this to be private muna.

Wala dito sina Gaile as usual. Bumibili sila ng mga gagamitin sa school. Kinakabahan na rin ako kasi hindi ko alam kung kaya ko ba talaga ang business management.

"Nakakatulala ba yung pag inom ng hot choco? Pa-try nga!" Sabi ni Kyle.

"Che! Tumahimik ka Kyleleng! Bubuhos ko 'to sayo."

"Kyleleng? Diba dapat baby? Baby na dapat!"

"Arte mo. Oh sige na baby. Halika dito lalagyan kita ng powder para di ka pawisan. Yan okay na?"

Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Juice colored! Ano ba naman 'tong boyfriend ko may virus na ata ang utak.

"Anong sabi mo? Halik-ka-dito?"

"Hala? Tara na! Ipapacheck up pa kita."

Sabi ko at umalis na kami. Pagdating namin sa condo nasa lobby sina Dave.

"Princess!" Bati niya at nag fake cough naman si Kyle. "Ay sorry. Kaye pala."

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.

"Well this is my building at dito rin ako nakatira remember?"

"Ah. Sorry nawala sa isip ko. Uh. Aubrey, gusto mong mag night swimming mamaya?"

"Sure ate! Ako na bahala sa food. Tapos ikaw naman sa drinks." Excited niyang sagot. Tumango naman ako. At bigla namang dumating ang isang babae na medyo familiar.

"Ay ate! Hindi ko nga pala siya napakilala sa'yo nung party. She's my cousin. 2nd Year college na siya this year." Ah. Kaya pala! Siya yung babaeng malagkit ang tingin kay Kyle. Naku! Pati ba naman dito?

"Hi I'm Natasia. But you can call me Nat." Sabi niya at nag-abot ng kamay (TAKE NOTE!) kay Kyle. Nat? Ano siya mani?

Hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kamay ni Kyle nung nakipag shake hands siya dito. Oo na selos na kung selos! Hindi ko naman made-deny na naganda 'tong Nat na 'to. At some guys are attracted to older women. Lalo na 1 year lang ang age gap nila.

So yun nag paalam narin kami. Pag pasok namin sa elevator tumawa na ng sobrang lakas si Kyle. Buti nalang wala kaming kasabay. Kaya ayun hinampas ko siya.

"Aray! Grabe ka naman magselos."

"Hindi ako nagseselos ha."

"Weh?"

"Hindi nga"

"Sure ka?"

"Oo nga!"

"Oo nga?"

"Isa pang hirit mo break na tayo."

"Huh? Hindi na po. Hindi na. Sorry na."

Yan kasi. Isa yan sa mga advantages ng pagiging girlfriend ni Kyle. once na mabanggit ang break up tapos ang usapan.

"Baby sama ako sa night swimming niyo mamaya."

"Hindi nga pwede. All girls lang yun."

"Kahit na-"

"Bakit girl ka ba?"

"Hindi. Pero-"

"I love you baby." Bigla naman siyang namula.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon