Maaga pa pero nandito ako sa kusina at naka-apron. Mukhang pursigido silang turuan akong mag luto.
"Tita, mama. Bantayan niyo po 'yan ha. Baka mamaya masunog pa 'tong kusina." Natatawang sabi ni Kyle na nakaupo ngayon sa counter.
Grabe siya. Pag ito na-perfect ko.... Edi perfect. Bongga!
"Dahil favorite mo ang adobo dun tayo mag sta-start." At yun pinahanda nila yung ingredients. Toyo, suka, pepper, chicken, garlic, sili na mahaba at maraming onion.
"Mas maganda kung medyo ibababad mo muna yung chicken bago mo siya lutuin as adobo para malalasahan mo yung flavor sa chicken." Sabi ni mommy.
"Okay ganito para talagang matuto ka. We'll tell you what to do pero ikaw ang bahalang gumawa sa ng lahat. Ikaw ang bahala sa amount and everything. But we'll give you tips." Sabi ni tita.
"Okay po. Start na po tayo?" Sabi ko at nag simula nang mag slice ng mga onion. Medyo nakakaluha pero kaya naman.
"Tip number 1: gumamit ng matalas na kutsilyo pag maghihiwa ng sibuyas para hindi maiyak." Mommy.
"Ahahahaha one last cry, one last cry." Kanta ni Kyle.
"Gusto mo ikaw yung umiyak?" Sabay taas ko nung kutsilyo.
"Charing lang!" Guys. I think it's a unanimous decision. Hahatulan na natin siya na isang bading. Wala nang kokontra!
"Ngayon lagyan mo na ng toyo." Medyo dahan dahan ako sa paglalagay. Mas okay na kasi yung konti para pwede pang dagdagan diba? I guess that's tip number 2.
"Tama yan baby." Sabi ni tita.
"Smells good." Sabi ni kyle.
"Siyempre." Sabi ko at tinakpan na ulit ang adobo. Hinihintay ko nalang na maluto yung mismong chicken.
Nilipat ko na sa lalagyan at hinain sa kanila. Para silang judge sa Master Chef na nasa counter ngayon.
Unang tumikim si tita. "Hmmm. Not bad for a first timer."
"Medyo kulang lang sa vinegar pero all in all okay siya." Sabi ni mommy.
"Well what can I say? It only makes me love you more." Kailangan ko pa bang sabihin kung kanino galing?
Nilakihan ko nalang siya ng mata. Hays masyadong PDA!
"Hala! Kasing landi ng tatay niya." Sabi ni tita at sabay sabay kaming tumawa.
"Adobo check! Next dish po?" Tanong ko.
Nagtinginan muna sila mommy sabay sigaw ng "TINOLA!"
Feeling ko tutubuan ako ng pakpak. Puro kasi chicken ang niluluto namin.
"Tip number 3: The best spices ay yung mabibili mo sa public market. Pero dapat marunong kang pumili."
So sinimulan ko na. Mas madali ang Tinola kesa Adobo kaya mabilis din akong natapos. Kaya lang medyo na-over cook yung chicken at papaya kaya pinaulit nila hanggang maperfect ko.
"Okay, let's eat." Sabi ni tita at umupo kami sa breakfast counter.
"Oh bat di ka kumakain?" Tanong ni Kyle.
"Kayo nalang. Medyo naumay kasi ako kanina sa kakatikim."
"Ang sabihin mo naumay ka sa mga tingin ko." Kapal mo talaga.
"Oo nga. Umay na umay ako." I said then gave him a sarcastic smile.
"Taray." Bulong niya. Buti alam mo!
"At ngayon ipapamana na namin sayo ang recipe ng ice cream namin."
Ooooops. This is top secret so let's skip this part.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...