Kyle's POV
Naglalakad kami ni Kaye papunta sa bahay nila. Routine na kasi naman yung ihahatid ko sya sa kanila kasi nga diba? Mag kapitbahay naman kami.
At ang hindi nya alam ay may naghihintay na surprise sa kanya sa bahay nila.
Pagpasok namin ng gate ay saktong nagtext na si Tita Gissele. Mommy ni Kaye.
From: Tita Gissele
Anak malapit na ba kayo? If malapit na kayo just please anak distract her muna. Di pa kasi ready lahat hihi. Mga 10 minutes pa.
Anak talaga ang tawag sakin ni tita kasi sabi nya parang anak nya na rin daw ako.
Pagkabasa ko nung text ay niyaya ko muna si Kaye na lumabas ulit.
"Tara samahan mo ko sa tindahan." Sabi ko sa kanya.
"Teka! Magpapalit muna ako ng damit. Kanina pa natin suot tong uniform natin FYI!"sabi naman nya.
"Dali na. Mabilis lang to kailangan kong mag paload!" Pagpapalusot ko naman.
"Load?! May naka postpaid bang nagpapaload?" Aish. Ang kulit nya. At ang lame ng excuse ko. Ugh. I forgot, sabay nga pala kaming kumuha ng plan last month ( -.-').
"Para to kay Josh. Remember? Yung kabarkada ko." Pagpapalusot ko ulit. "Sige na please???" Sabi ko habang naka-puppy eyes pa.
"Tss. Sige na nga! Pero libre mo ko ng mountain dew ha?" Haayyy. Hindi talaga papayag to ng walang kapalit noh? Pero buti nalang medyo madali siyang i-please. Masaya na siya sa paganyan ganyan niya.
"Takaw talaga." Bulong ko.
"May sinasabi ka?" Sabi nya. Lagot! Narinig ata nya.
"Wala po. Sabi ko po. Masusunod po your highness." Sabi ko naman.
Di na siya nagsalita at nagpunta na kami sa tindahan. Medyo malayo yung nilakad namin. Wala naman kasing tindahan sa loob ng village namin.
"Ahhh." Sabi nya pagkaubos niya nung m-dew nya. Takaw talaga. Psh.
"Tapos kana?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman sya bilang sagot.
"Oh tara na!" Sabi ko at tumalikod na.
"Akala ko ba magpapaload ka?" Tanong nya.
"Nakalimutan ko yung number nya." Hinabol naman niya ako dahil medyo binilisan ko talaga yung pag lakad. Baka kasi magtaka sila tita kung bakit ang tagal namin.
Pag pasok namin ng bahay nila. Agad na may tumakip ng mata nya. And guess kung sino yun?
"Daddyyyyyyyyy!" Irit nya na sobrang nakakarindi sa tenga.
Daddy's girl kasi yang si Kaye. Kahit na madalas wala ang daddy niya dahil sa business trips nila ng daddy ko.
And yup. Matalik na magkakaibigan ang parents namin. Kaya nga hindi na sila nagtaka kung bakit pati kaming anak nila ay mag bestfriend din.
"May nanliligaw na ba dito sa baby ko Kyle?" Tanong sakin ni Tito Rod. Kumakain kami ngayon ng dinner. Andito din ang parents ko.
Napatingin naman sakin si Kaye at binigyan ako ng wag-mo-akong-ibubuking-look. Haha.
"Sa tingin ko naman po wala." Sabi ko at nakita kong parang nabunutan ng tinik Kaye sa dibdib.
"Good. Bawal pa kasi yang ligawan." Para naman akong napang hinaan ng loob dun. "Pero kung ikaw ang manliligaw. Aba! Syempre suportado kita dyan!"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...