Kaye's POV
They all look pissed. Especially Kyle and Gaile alam niyo naman ang mga ito, sobrang mahal nila ako at naiintindihan ko kung bakit sila nagkakaganyan sa dalawa. Wala ni isa sa kanila ang may gustong umupo malapit kina Jan. Kaya naging ganito ang tayo namin.
Mark
Ann
Jan
Rob
Ako
Kyle
Gaile
Nate
Ate Rhina
Kuya Keyshawn
I'm glad that someone is between us. Rob serves as the wall of his and my world. Siya ang nagiging paalala saakin na hindi na nga pala ako. Ay mali! Kasi kahit kailan hindi naging ako. That there was never really an us, coz in the first place I didn't get the chance to hold his heart, not even for a second.
"Gusto mong lumipat sa pinaka unahan?" Narinig kong tanong niya kay Ann.
"Nope, I'm fine here. Besides this is my first time. Still kinda scared." Nakita kong tumango si Jan at pinakalma sandali ang medyo nanginginig na si Ann.
This is my first time too. I wonder kung ganoon din ang gagawin niya kung ako ang nasa tayo ni Ann. Ugh. This is so frustrating.
"You okay?" bulong ni Kyle. I just nodded.
Pinaandar na ni manong ang engine nang bangka at hinila kami papalayo sa shore.
"It's gonna be a long and painful ride!" rinig kong sigaw ni Gaile na mahigpit ang kapit habang hinihila kami. Halatang pinariringgan niya ako at yung dalawang sweet habang nagtatawanan sa bilis nang paghila saamin nang bangka. Sinabi ni Kuya kanina palang umaga na dapat ay isunod namin ang katawan namin sa direction nang bangka para hindi kami mahulog kaagad. Nang narealize ni manong na hindi kami magpapatalo sa kanya ay bigla niyang itinigil ang engine nang bangka na siyang tuluyang nakapagpahulog sa amin.
Nang makaahon ako sa pagkakalubog ay agad kong naramdaman ang kamay na humila saakin papunta sa dibdib niya. Napatingin ako at nakita ang kinakabahang muka ni Kyle. Marahil ay nagalala siya dahil medyo matagal akong nakarecover sa impact.
"Woohoooo!" sigaw nila nang biglang nangibabaw ang boses ni Jan. "Ann! Ann!" nagpalinga linga ako at narealize na hindi pa nakakaahon si Ann. Nawala ang pagkabahala ko nang biglaang lumitaw ang hinihingal na si Ann.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...