Kaye's POV
It's graduation day!
It's time to say goodbye to High School. I'll miss the memories. Lahat ng masasaya kahit yung malulungkot. Hindi na pwede ang pa-easy easy. Kailangan ko ng mag seryoso. Walang ibang magha-handle ng company namin kung hindi ako. I understand my Kuya nung mas pinili niya ang pangarap niya. Pero I can't be selfish, and besides mahal ko na din ang company namin pati ang ilang mga tauhan dito.
Pagkagising ko kaninang umaga isang bouquet ang natanggap ko galing kay Kyle. Nakakahiya. Wala man lang akong regalo sa kanya.
*Phone Vibrates
From: Babe. (Wag na kayong magtaka. Siya ang nagpalit ng pangalan.)
Good Morning my Baby. Don't forget to eat your breakfast before going to school okay? I'll see you there. I love you! Oh, and please be mine 😘.
Sweet. Well, time to get ready! *Ding dong... Dantes... Waley.
"Delivery po for uhhh, Ms. Kaye Chavez."
"Ahh. Manang paki-kuha nalang po." Pinirmahan ko na yung receive chuchu. Hindi ko kasi alam ang tawag dun. Sina dad lang naman ang madalas makatanggap ng delivery.
Isang regalo. Nung una akala ko galing ulit kay Kyle pero nung nakita ko yung card medyo na-disappoint ako.
It says..
Congratulations and Happy Graduation my Princess!
Kung sino ka man, bahala ka sa buhay mo! Nilagay ko nalang siya sa drawer. On our way papunta nagreply ako kay Kyle.
To: Babe
Good Morning din. We're on our way na. See you in a bit. I'll think about it.
From: Babe
Tagal naman magreply ng baby ko. Nandito na kami. Ihanda mo na yung panga mo. Mangangalay ka sa kakangiti.
Pagkadating namin sa School Auditorium tama si Kyle! Puro flash ng cameras ang makikita mo.
"Bessie picture tayo!" So ayun nagpicture kami ni Gaile. Siyempre kami din ni Kyle at Nate. Tapos kaming apat.
If you're wondering, gra-graduate din si Nate. Saling pusa ganun. Haha muka naman siyang pusa kaya okay na yun. Umuwi din ang parents niya. Sina Tito Edgar at Tita Chelle. Mukhang ipapakilala niya na ata si Bessie kina tito kaya pumunta muna ako kina Lia.
"Girls I'll miss you so much! Bakit ba hindi nalang din kayo mag Business And Management Studies?" Tanong ko sa tatlong lukaret.
"Alam mo naman kasi girl na iba ang dream namin. Tsaka may mga kapatid kaming willing mag take over so ayun." Pag-eexplain ni Lia.
"Tsaka hindi mo naman kami katulad na masyadong obedient sa magulang." Singit naman ni Mae
"Hay nako! Picture na nga lang tayo." Tapos nilabas na ni Len yung phone niya para makapag picture kami.
Mami-miss ko talaga sila ng sobra. Wala na akong girly girly time. Well, except kung nasa mood si Gaile. For sure kasi ay busy na kami sa college.
Tinawag ang graduates para sa march. Nagsimula na ang ceremony. Siyempre merong mahahabang speech.
Isa sa mga advantage pag letter A ang start ng surname mo maaga mong makukuha ang diploma. Ang advantage naman kapag nasa pinaka-huli ka, ikaw yung papalakpakan. Tama?
Meron pa yung graduation song. Then yung hymn ng school. Medyo naiyak naman ako kasi nga ayaw ko pang iwan ang lahat ng 'to. Although dito pa rin naman kami magco-college. Basta. Tama ang matatanda pag sinasabi nilang. High School life is the best.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Roman pour AdolescentsSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...