Chapter 4: Unexpected Love

55 0 0
                                    

Jan's POV

Hindi ko naman mahal si Kaye.

Pinagpustahan lang namin siya ng mga kaibigan ko..

Its all her fault! Hindi niya napa sagot si Ann para sakin!

Just Kidding.

Hi! I'm Jan Santiago. I'm an outdoor person. At ang tanging laro lang na hindi ako magaling ay kung saan pa magaling si Kaye. Chess. Hindi ko alam kung bakit di ko yan makaya! Siguro dahil-- basta! Ewan! Malay!

Pero guys. Seryoso. I think I like her already.

Sincere ako kay Kaye!

Medyo nagalanganin pa akong manligaw dahil na takot akong baka mailang sya sakin.

Buti nalang hindi.

At yung sinabi ko sa kanyang I found someone na baka mas mahalin ako? It's her.

Aaminin ko. I think I'm falling. Though I'm not yet sure of what I really feel, alam kong mayroong "something something chuchu--" Pwe! Kung ano-anong nakukuha ko sa mga kabarkada kong medyo may tama!

"Bro! Tulala ka na naman dyan!" Mark.

Si Mark. Isa sa mga close friends ko at pagdating sa sports siya ang kasundo ko.

At secretly may gusto yan kay Gaile. Yung bestfriend ni Kaye. May malaking problema lang, TORPE siya! Katulad ko. Kaya hindi na ako nagtatakang dumating ang isang araw na maunahan pa siya ng iba.

"Let him be pare. GG ka talaga! Ganyan talaga pag inlababo!" Raffy.

Si Raffy. Actually Rafael talaga ang name niya medyo indenial lang kaya ayaw niyang may ibang makakarinig ng tunay niyang name kasi mabantot daw. At kelan pa nagkaamoy ang pangalan?Anyway childhood friend ko yan.

Heartthrob yan dito sa school namin. Wafu daw? Ano siya oishi? Daming pauso!

"Ano yung 'GG'?" tanong ni Mark. tssss.

"Galunggong pare." Sabi ni Raffy habang tina-tap ang likod ni Mark na parang batang walang alam.

"Ahhh. Ano naman yung galunggong?" Tanong ulit ni Mark. Agad namang lumapit si Raffy doon sa grupo nang mga babaeng kanina pa "daw" nakatingin sa kanya at parang may kinuha. Halos manisay na yung mga babae nangitian lang niya. Huh!

Pagbalik ni Raffy may hawak siyang salamin at itinapat sa muka ni Mark. "Ito yung galunggong pare." sabi ni Raffy sabay layo.

"Tahimik nga kayo!" Sabi ko na kanina pang binging bingi sa mga kalokohan nila.

"Ayaw ko! Bakit hindi ikaw?" Sabay pa yung dalawa.

Tiningnan ko nalang sila ng masama at pumasok na sa classroom namin. Time na rin kasi kami. First subject namin ang Science.

"Mr. Santiago! Saan na napadpad yang isip mo? Mukang ang layo na ng nalipad." puna sakin ni Mrs. Gutierrez. Sabay nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

Favorite talaga ako ni Ma'am! Favorite pagalitan! Pero ka-vibes ko yan! Ewan ko ba kung bakit ako nalang ang laging nakikita. Crush siguro ako ni Ma'am. Gwapo ko daw kasi.

"Ma'am na kay Kaye po ata ang isip nyan!" sabi nitong si Angel. *gulp. Spell patay. J-A-N! Patay kang bata ka! Lagooooot naaaaaaa!

"Really? Jan gusto mo papuntahin ko dito sa Kaye para umayos ka at nang maibalik niya ang atensyon mong lumipad sa kanya?" sabi ni Mrs. Gutierrez na medyo natatawa pa sa mga banat niya. Tsssss. Sabi na!

"Ma'am. Sige na po. Awa na please! Makikinig na po ako. I swear with all my heart! Hope to die! Mamatay ka man! Bukas! Agad agad!" pagbibiro ko kay ma'am. Hindi naman siya nagalit dahil nga sanay na siya sa mga asaran naming dalawa.

"Ma'am hindi pwede! Tawagin niyo na po si Kaye!" sabat naman nitong si Mel. Kung bakit kasi nakaklase kopa ang isang ito! Hmp! Medyo naiinis pa nga rin ako pag nakikita ko yan!

"Okay people! Back to our discussion!"

Phew! What a relief!

Kaye's POV

Yey! Malapit na mag recess and I'm with Kyle Ramirez.

My real boy bestfriend. Super thoughtful niyan. Syempre ako nga yung bestfriend diba? Well isa kasi sya sa mga hearthrob sa school namin. Kaya ayun! A lot of monster eyes on me palagi pag magkasama kami! Pero sabi niya sakin na wag daw ako matatakot kasi hindi naman niya daw ako pababayaan. And he really meant it. Kasi simula nang maging magbestfriend kami masmahigpit pa siya kesa sa daddy ko.

"What do you want to eat? Ako nalang ang bibili para di kana mahirapan sa pakikipagsisikan sa mga yun." Sabi niya sabay turo sa mahabng pila.

"No. Hindi na. Ako nalang. Tubig lang naman ang bibilhin ko. Mahihirapan kalang." sabi ko at tatayo na sana nang bigla niyang hinawakan ang braso ko para pigilan.

"NO! Choose!

a. Ako ang bibili

b. si kyle

c. Letter A

d. All of the above"

Kulit nito! May magagawa pa ba ako?

"Opo na po! As if naman may magagawa pa ko." sinabi ko nang pabulong yung last part hoping na hindi niya narinig. Mapapagalitan na naman ako.

"Ano po yun? May sinasabi?" sabi niya na parang may konti nang inis sa boses.

"Wala po! Sabi ko ang gwapo mo."

"Matagal ko na yang alam. No need to remind me." sabi niya sabay kindat. At tuluyan nang pumunta sa siksikan na pila. And guess what? pinasingit siya nang girls at girls at heart. Ang sama tuloy nang tingin sa kanya nung ibang mga lalaki.

But guys. Kung siguro ibang babae yung ginaganito ni Kyle. Baka iba na ang iniisip. Like what I've said, sobra kasing maalaga.

Pero iba ako. Ako ang bestfriend niya. At kahit pa mahalin ko siya, hinding hindi pupwedeng maging kami dahil masasayang ang friendship na nabuo namin sa loob nang maraming taon. Ang bestfriend ay bestfriend lamang.

At ayokong dumating sa point na magkasakitan kami.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon