Kyle’s POV
Hindi ko inakalang aalisin niya talaga ang mask niya. Was it because I told her to do so or did she felt it too? Ayoko ko munang mag isip ngayon. Next time na ang bakit at pero. I just want to make her feel my love. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ito sa dibdib ko sa tapat ng puso. “Can you feel it?”
Nakapikit siya ngayon habang tumatango. I pulled her closer. Kahit hindi ako sigurado, alam kong may nagbago na ngayon. And I like that change. It feels so good. Habang kumakain kami napansin kong suot niya ang necklace na ibinigay ko sa kanya last Christmas party.
“Ang PG mo.” Kahit na ang dami mong kinakain ngayon parang hindi ka tinatalaban ng mga yan. Inirapan niya lang ako at nagpatuloy siyang kumain.
Nakakatawang isipin pero dami ng kilala kong babae na mahinhin kumain ay sa magaslaw at mabilis kumain ako nagkagusto. Sa daming tahimik at sopistikadang babae kong nai-date ay sa maingay nahulog ang puso ko. Maybe that’s what made me love her. The way how she’s different from the rest of them. She’s unique and I love it, I love her.
“Tapos ka na?” tanong ko nang isinubo niya ang huling piraso ng karne.
Umiling siya habang umiinom ng tubig. “Dessert pa.”
“What? Ang takaw mo.” Sabay tawa. Nakakatuwa siyang asarin. Ang sama ng tingin niya sakin ngayon at handa ng ihampas sakin ang purse niya. “oh, easy with the purse may bakal yan.”
“Hindi mo ako masisisi kung marami akong kinakain ngayon.”
“And why?”
“Kasi hindi ako kumain ng lunch para mag mukhang sexy sa dress na ‘to.” Kaya pala. Napahilamos ako ng kamay sa mukha at gulo ng buhok. Kailangan bang hindi kumain para lang don? I should’ve checked on her this morning. Kahit na sinabi niyang wag muna akong pumunta, wala din siyang magagwa pag nandon na ako.
“Pano kung nahimatay ka habang sumasayaw?” natahimik siya. Siguro naman naiintindihan niya ang sinasabi ko. “You don’t need to skip meals just for you to look good baby. Wag mo nang uulitin okay?” Tumango siya at pumunta sa buffet para kumuha ng dessert. Nakaka-frustrate ang pagiging pasaway niya!
“Umandar na naman ang pagiging over protective mo. Bakit kasi hindi mo ligawan para maging official na?” nandito na din pala si Gaile at Nate sa table.
“I can’t Gaile. Alam mo naman na para sa kanya ang kaibigan ay kaibigan lang.” Masakit man isipin pero nung once na sinabi niya iyon ay tumatak ito sa isipan ko. Baka maging mailap lang siya sakin pag nagkataon.
![](https://img.wattpad.com/cover/12497887-288-k543414.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...