Jan's POV
Its a Saturday afternoon.
Andito kami ngayon sa bahay nila Raffy. Naglalaro kami ng PS3.
.....calling Kaye.....
Ugh. Ayan na naman! Kanina pa siyang tawag ng tawag. Pinatay ko nalang ang phone ko.
"Pare bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ni Kaye?" Tanong bigla ni Xander.
"Kasi nga NAGLALARO AKO." Simple kong sagot.
"Hindi ka ba natatakot na mahalata niya kayo?" Bakit ang daming tanong ni Xander ngayon?
"Hindi niya naman mahahalata. Mahal ako nun kaya may tiwala siya. Tsaka may balak naman talaga akong sabihin sa kanya humahanap lang ako ng tamang timing." Sabi ko habang tuloy pa rin sa paglalaro.
"G*go ka pare! Masasaktan si Kaye. Actually pareho silang nasasaktan for sure." Sabi ni Mark.
"Alam mo ikaw ang sasaktan ko pag hindi ka pa umamin kay Gaile." Pag iiba ko ng topic. Ayoko kasing pinaguusapan ang mga bagay bagay sa buhay ko. Lalo na kung masyadong personal.
"Next week talaga aamin na ako kay Gaile." Paninigurado ni Mark.
"Speaking of next week. Christmas Vacation na diba? So saan ang lakad ng barkada?" Pagtatanong ni Rapael.
"Please. Wag na sa Boracay. Nakakasawa." Sabi ni Xander.
"How about sa Puerto Galera?" I suggested.
"Oo nga. Maganda dun tsaka malapit lang yung beach house namin sa may white beach." Sabi Mark.
"Pero kung gusto nyo naman na mas private. Pwede tayo dun sa isang islet malapit sa Puerto. Meron din kaming beach house doon. Actually ang pagkakatanda ko 3 sila nina Daddy na magkakashare dun sa islet. I just can't remember kung sino pa yung dalawa." I said habang pilit na inaalala yung dalawa pang ka-share ni Dad.
"Kailan tayo aalis? At kailan ang balik natin?" Tanong ni Mark.
"I think maganda kung hindi na tayo um-attend ng christmas party then the same day na lang tayo umalis. Para na din mahaba haba ang vacation natin." Sabi ni Xander.
"So I guess we're all set?" Tanong ni Rapael.
"Yup!" Sabay sabay naming sabi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kaye's POV
Kanina ko pang tinatawagan si Jan pero hindi naman sinasagot hanggang sa pinatay na niya ang phone niya. Ano na naman bang problema ng lalaking 'to?
"Ano Kaye pupunta ba siya?" Tanong ni Dad.
"Uhm. Busy daw po kasi siya ngayon Dad so I guess hindi na siya makakapunta." I had to make up an excuse. I can't just tell him na pinagpatayan ako ng phone ni Jan. Magagalit yun.
Kaya ko tinatawagan si Jan kasi my parents want to invite him for dinner. Hindi na daw kasi nila nakikita ito ng madalas.
Kung last month may mga nagbago. Ngayon mas marami pa ang nagbago. I thought when he said sorry everything will be okay and we'll go back to normal. But after that things got worse. He doesn't even insist to drive me home, sa halip maaga pa siyang umaalis.
I don't know. Its like we don't even have a relationship. But I'm not gonna break up with. I just love him too much.
"Why don't you call Gaile and Kyle nalang? We'll plan for our Christmas Vacation na rin." Sabi ni Dad. And yup. Kasama sina Kyle at Gaile. Nakasanayan ka kasi naming tatlo na magkakasamang mag celebrate ng Christmas at New Year together.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...