Chapter 20: Drop the Mask

25 0 0
                                    

Kaye’s POV

Nakakainis. Sa dami ng inaral konti lang pala yung kasama? Sana hindi nila isinama sa pointers yung iba. Sana yung handouts nalang yung inaral ko! Pero on the brighter side, okay na din kasi naging madali ang pag sasagot sakin. Thanks to my study partner, yung grad ball nalang ang iintindihin ko.

Hell week is over. Ito ang hudyat na malapit ng matapos ang high school life ko. Medyo corny pakinggan pero totoo na mami-miss ko ang lahat ng mga kalokohan. Kailangan kong mag seryoso pagdating sa college dahil ako lang ang inaasahan nila mom at dad. Mukang ayaw talaga ni Kuya na hawakan ang business namin. Its expanding kaya mas lalong kailangan kong mag aral ng mabuti. Sinabi din ni dad na mas madami akong hands on experience sa company ngayong college.

“Naka-print na ang invitations for the ball. I think mas makakatipid tayo kung sa advisers natin ipapabigay ang mga ito. Para din mas ma-maximize natin ang budget para sa mismong event.” Magaling ang treasurer namin. She’s really doing her job. Bilib ako sa husay niyang maghawak ng pera.

“I agree. Mamayang lunch nalang tayo pumunta sa faculty lounge. For now, let’s check the venue first.” Mahinahon kong sabi. Tama na sinimulan ko ito ng maaga kahit mag isa, kasi ngayon ay hindi kami masyadong nagmamadali. Sobra pa ang 2 weeks para sa preparations.

At dahil bumili si tito Rommel ng Trailblazer na black, ang super duper ultra mega rich kid na si Kyle ay nag request kung pwedeng palit sila at kay tito nalang ang kotse niya. So gusto niya na mas maraming babae ang maiisakay niya sa sasakyan niya?

As expected, kahit parang sardinas sila sa likod ay okay lang dahil si Kyle ang magda-drive at siya ang may ari. Tsss. Girls and their crazy antics. Muntik pang may sumakay sa unahan kung hindi lang ito sinita ni Gaile. “Wag nga kayong mga ambisyosa. Si Kaye sa unahan.” Umiling nalang si Kyle at napatawa ng nakita ang excitement sa mga mata nila. Ang boys naman ay sa sasakyan ni Nate nakasakay.

“Omygosh! Parang hihimatayin ata ako!”

“Never in my life did I imagine myself inside Papa Kyle’s car!”

Bumungisngis pa sila at parang mga nakukuryente. Kulang nalang mag hyperventilate sila literally!

“Ang ingay niyo! Kung ayaw niyong mag taxi pwedeng bigyan niyo ng katahimikan ang sasakyang ito?” mataray na saway ni Gaile. “at kung bubulong kayo, pwede yung hindi namin rinig? Alam niyo yung bulong? Whisper? Mahina yon!” masyado atang mainit ang ulo ni madame Gaile ngayon. May dalaw?

Nang makarating kami sa hotel kung saan mangyayari ang lahat ay nagplano kami kung saan ang stage, paano ang arrangement ng mga table, at ang motif na hinding hindi mapagka-sunduan. May grand staircase kung saan ka dadaan para makapunta sa event kaya kitang kita mo ang lahat ng papasok.

“I think maganda ang pink and black.” Suggest ni Halley.

“That’s too gay.” Apila naman ni Caleb.

“How ‘bout black ang white? I mean para sa venue lang naman diba?” magandang suggestion iyon at bagay na bagay sa theme namin. Hindi kami nag specify ng color ng mga outfit nila kasi gusto namin na maiba ang amin kesa sa traditional ball.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon