Kyle's POV
Nang dumating kami sa resthouse ay sinalubong kami ni Nate ngunit tuloy tuloy lang si Kaye sa pag pasok sa loob kung saan lahat nang ilaw ay nakapatay na.
"Tulog na sila Tita Gisel, hindi nila napansin na wala kayo dahil sa pagod sa byahe at pag aayos kanina." pagpapaliwanag ni Nate nang napatingin ako sa madilim na bahay.
"Mas mabuti iyon. Ayaw kong mag alala sina tita and besides pag nakita nilang ganyan si Kaye ay paniguradong mag tatanong sila. Let's give her time to heal first." sabi ko at iniwan na sila ni Gaile para makapag-usap. Hahayaan ko na lang na si Gaile ang mag explain sa kanya.
Nang papasok na sana ako sa kwarto naming mga boys kung saan tulog na si Kuya Keyshawn ay naisipan kong sumilip muna sa kwarto nang girls. Dahan dahan kong binuksan ng kaunti ang pintuan at tumambad saakin ang nakatalikod na si Kaye habang humahagulgol sa balikat ni Ate Rhina, nag angat naman ng tingin si ate at nag thumbs up para siguraduhing okay lang ang lahat.
Sa ngayon, hindi ako ang kailangan niya. Ang kailangan niya ay ang isang taong kaya siyang intindihin at ang mga pinagdadaanan niya bilang babae.
Tumango ako at saktong pag talikod ko ay papasok na si Gaile sa kwarto pati na rin si Nate sa kwarto namin.
"Good night." sabi ni Nate at nakita kong kumislap ang mga mata niya nang ngumiti at tumango nalang si Gaile bago pumasok.
"ahem." sabi ko para makuha ang atensyon niya mula sa nakasarang pinto nila Gaile. Ginulo ko ang buhok niya at niyaya nang matulog.
Nang makahiga ako ay binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang oras. It's 2 in the morning already. I texted Kaye.
To: My Baby
Hey, I just want you to know that whatever happens I'll always be here by your side. To love and understand you. Mornight baby, i love you, never forget that.
Sent.
Mabilis akong nakatulog. Masyadong maraming nangyari sa isang gabi lamang. Nagising ako sa amoy nang tubig dagat at tunog nang alon. Napaka-peaceful dito. Hindi katulad sa Manila. Masyadong nakaka-stress ang mga morning.
Chineck ko ang phone ko at nakitang may reply pala si Kaye kaninang madaling araw na hindi ko na nabasa.
From: My Baby
I'm okay and I know that. You tell me all the time, how can I forget? I love you too.
That text made me smile. But then naalala kong ibang pagmamahal nga pala ang mayroon siya para sa akin. Ibang iba sa pagmamahal ko sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya dahil mahal niya si Jan na walang ibang ginawa kundi ang paiyakin siya.
Naligo na ako at inisip sa shower ang pwede naming gawin para ma-divert naman ang isip ni Kaye sa ibang bagay. Naisip kong magpunta kami sa White beach kung saan ang mismong Puerto Galera. Nakita ko sa internet na nanddon ang mga banana boat, jetski at kung ano ano pang mga activities.
Kumakain na kami ng breakfast at gumaan ang pakiramdam ko ng nakita kong kumakain naman ng maayos si Kaye.
"Uhm." pagbabasag ko nang katahimikan. "What if po kaya kung pumunta tayo sa White beach? Nalaman ko po kasing nandoon ang mga masasayang activities na pwede po nating i-try." sabi ko kay Tito Rod.
Tumango naman si Tito. "Yup, I guess that's fun kaso lang masyado na kaming matanda ni Tita Gisel mo para sa mga ganyan. But the six of you can go. I'll just call the boat na maghahatid sa inyo doon." sabi ni tito at kinuha agad ang phone niya.
Nagsigawan naman silang lahat except sa katabi kong si Kaye na napangiti lang. Sana mag-enjoy siya.
Nagready na kami nang ilang gamit para mamaya dahil by 2:00 pm ay ipi-pick up na kami ng bangka. Kabilinbilinan ni Tito na by 5:30 ay we'll head back na sa island para saktong dilim ay makakarating na kami doon.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...