Kaye's POV
Good Morning Philippines!
Balik na naman sa dating gawain. Nandito na kami ulit sa condo.
Nagluluto ako ngayon ng breakfast. Fried rice, hotdog, bacon at egg. Takaw ko no? Hayaan niyo na. Breakfast is the heaviest meal of the day naman kaya papanindigan ko na ang pagiging heavy niya.
Naka-connect ngayon ang ipod ko sa speaker. Masarap kasi magluto pag may music diba? Tingin ko lahat naman ata masarap gawin kung may music. Mag hugas ng plato, maligo, maglinis ng bahay. Lahat yan mas enjoy kung may music.
Aaaah! Love Me Like You Do yung kanta! Napapakembot naman ako habang binabaliktad yung mga bacon.
"Love me like you do.
La, la, love me like you do."Hayyy. Christian Grey. Hindi ako bastos ha! Maganda kaya yung story niya. Hindi ko nalang ikwe-kwento baka masabihan niyo pa ako ng spoiler. Pero talaga nakakakilig siya.
Anastasia changed the way Christian sees the world. And that's true love. Ewan ko ba. Kaya siguro ako ganito kasi mahilig ako magbasa ng romantic novels. Sometimes I wonder, can fairytale happen in real life?
Nagulat ako ng biglang may nag backhug sakin. "What's for breakfast wifey?" Hayy. Ang landi talaga nito. 16 pa nga lang kami, well siya 17 na next month. Pero kahit na! Ang bata pa kaya namin ang clingy niya na. Si Jan nga hanggang holding hands at kiss sa noo lang. At kami na nung mga panahong yun. Kung ngayon palang ganyan niya siya ano pa kaya pag kami na.
"Wifey ka diyan. Hindi pa nga kita sinasagot tapos kino-kontrata mo na agad ako."
"Bakit nga ba hindi mo pa ako sagutin?" Sabi niya habang hinihigpitan ang yakap niya.
"Give me time. At hindi mo ako cook para ipagluto ka. Para sakin kaya 'to magluto ka ng sa'yo."
"Ano? Ang dami kaya niyan! Kaya pala lumalaki ang belt bag." Sabay hawak sa tummy ko.
"Anong belt bag!" Inalis ko yung kamay niya tapos pinatay na yung stove.
Pumunta ako sa ref para kumuha ng orange juice tapos kinuha ko na yung mga niluto ko para mailagay sa table.
"Sorry na. Joke lang naman yun." Hindi ko nga pinapansin. Belt bag pala ha? Hampasin ko kaya siya ng belt bag na puno ng bakal.
"Baby naman eh." Wala! Walang effect yan sakin.
Kumuha ako ng dalawang plato tsaka spoon and fork para samin. Nilagyan ko na din ng orange juice yung baso namin.
"Uy. Gusto niya ako ditong mag breakfast." Tiningnan ko siya ng masama.
"Ayaw mo? Okay lang." Tapos kinuha ko yung plato niya. Pinigilan niya naman yung kamay ko.
"Siyempre gusto. Ikaw naman, hindi pa nga tayo away bati na agad?"
"Ikaw naman kasi."
"Hindi na po. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon?" Bakit nga ba? Ewan! Nakakahawa lang siguro yung init sa labas.
"C'mon let's eat nalang. Gusto mo subuan kita?" Sweet niyang sabi.
"Gusto mo sapakin kita?"
Tumawa lang siya tapos kumain na kami. Maya maya nag ring yung phone niya. Lumayo muna siya bago sagutin yung phone tapos ang hina niya pa magsalita.
Strange dati naman sinasagot niya yung tawag sa harap ko. Minsan nga nila-loud speaker niya pa.
Hmm. Siguro babae yung kausap niya. Nakooo! Subukan niya lang talaga! Pag balik niya sa mesa tinignan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...