Chapter 18: Tears

14 0 0
                                        

Kaye’s POV

Here we are again at the garden at nagpla-plano. Nagkaroon ng urgent meeting ang teachers namin at dismissed na agad kami ng 9:00 am. Kasama namin ngayon si Kyle dahil gusto niya at para din mapatunayan ko na walang balikan ang mangyayari.

“May alam ba kayong magaling na flower shop? We have to place our order now since bukas yung surprise.” Tanong ni Jan na mukang medyo tensed sa kakaplano.

“Yung tita ko may ari ng flower shop at most ng flowers nila ay galing Baguio. I’ll contact her, wait.” Seryosong sabi ni Kyle. Good thing at tumutulong siya kasi kung wala siya siguradong hindi namin matatapos ang lahat ng ito.

“Hey, relax. Flowers nalang ang kulang. So ang venue natin ay sa gazebo ng school. Sabi nila Francine sila ang bahala para makadating si Ann doon. Music, check! Balloons, check! Food, check! Candles, check.” Utas ko habang iniisa-isa ang planner ko.

“Jan, okay na yung flowers. They’re expecting you there at around 2:00 pm. I’ll text you the address later.” 

“Wait! Guys, di pa pala tayo nakakabili ng dress ni Ann. Punta muna tayo sa mall.”

Sa Rustan’s kami pumunta since iyon ang medyo malapit sa school. Ako ang pumili at sa akin din kinuha ang fit ng dress. I chose a simple baby pink tube dress. Above the knee length, tamang tama kay Ann. After that ay pumili kami ng shoes na partner sa dress.

“If we’ll buy shoes, we have to make sure that it’s comfortable at bagay sa kahit anong color na dress.” I told them habang pumipili sa mga naka-display. Si Jan din ang bahalang mag pa-deliver ng mga binili namin para kay Ann.

We just ate lunch then umuwi na kami ni Kyle. I think kaya na ni Jan pumili ng flower arrangement mag isa. This is his surprise after all. Nagbabasa ako ngayon ng notes since second week ng March ang finals for sure may surprise quizzes na dadating.

*bzzzzzzt

Calling Gaile

“Hello?”

“Aaaaaaaah!” inilayo ko ang phone dahil mukang nasira ang ear drums ko irit niya.

“Anong nang yayari sayo?”

“Nothing. Feel ko lang sumigaw. Let’s go swimming later sa rooftop ‘kay? Nami-miss ko ang night swimming natin sa house niyo. Nasabihan ko na yung dalawang boys at agree sila, so game ka?”

“May choice pa ba ako?”

“Wala! Hahaha , I’ll see you later at 7:30. Mwaaaah!” sabi niya sabay baba.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon