Kyle's POV
Nasa daan kami ngayon papuntang Baguio. Kita mo na yung fog sa daan kaya hindi na mapakali itong katabi ko. Hindi manlang siya nahihilo sa kakatingin sa baba. Mauuna pa ata akong sumuka dahil sa kalikutan niya.
Diretso kami sa hotel kung saan gaganapin yung conference. 3 days and 2 nights lang 'yon kaya for sure ay mabibitin ang stay namin. Gusto namin magpaiwan kaya lang hindi daw pwede ng wala kaming kasamang adult.
"Excited na ako!" Hindi ko alam kung ilang beses niya na yang sinabi.
"Ako din." Paggaya ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama.
Kahit anong gawin mo maganda ka pa din. Naalala ko na naman yung moment namin sa rooftop. Hindi ko inasahang magiging ganon yung kalalabasan. Imbis na ako yung magpakilig sa kanya, siya pa yung nagpakilig sakin. Shit lang. Nakakabakla magmahal. Pero okay lang, kung siya naman yung mamahalin.
Masyado na bang corny? Tinamaan na nga ata ako. I can't take her off my mind. I can't even imagine a world without her. She's everything to me. I know this is dangerous, but I'm willing to risk it all.
"Bakit ang lalim ng iniisip mo?"
"Hindi. Wag ka ngang malikot. Baka mamaya magbukas yang pinto tapos mahulog ka."
"OA mo naman. Hindi kaya."
"Nagdala ba kayo ng formal attire?"
Tanong ni Tito Rod. Nandito nga pala kami sa sasakyan nila. Mas mabuti na yun kasi kung doon kami sa sasakyan namin kung ano ano na naman siguro ang itatanong ni mama.
"Opo tito."
"Good."
"So, alam niyo na ba kung saan maganda mamasyal?"
"Opo mom. Tiningnan ko na sa internet."
"Hayaan niyo na yung mga daddy niyo. Iiwan natin sila. Tayo lang ang magha-happy happy." Medyo kalog talaga 'tong si tita.
Pagdating namin sa hotel nag check-in na kami. Yung mga nanay namin ay syempre dun sa nakalaan na rooms ng mga asawa nila. Kaya kami lang yung kumuha ng bagong room. Share na sina Gaile at Kaye, tapos kami naman ni Nate.
"Babe, bakit nga pala 'di kasama si Kuya Keyshawn?"
"Busy daw siya. Ewan ko ba dun."
Tumaas na kami sa rooms namin. Okay naman, maganda. Meron siyang fireplace. May heater din ata kasi hindi mo mararamdaman yung lamig na nagmumula sa labas. Medyo crowded yung lobby dahil madami ang a-attend nung conference.
"Let's go?" Pagyaya ni Tita Girly.
"Saan ang punta natin?" Mama.
"Strawberry farm." Tita Gissele.
"ANO?" Sigaw namin. Wala ba kaming pupuntahang exciting? Strawberry farm talaga?
"Mom, hayaan niyo nalang po kaming mag explore ng kami lang. Then you can have your own adventures." Kaye pleaded.
"Sorry pero kabilin bilinan ng mga daddy niyo na kasama namin kayo kahit saan kami mag punta. We'll be in big trouble if you get lost or worse pa diba? Just stick with us."
May choice pa ba kami? Okay na din yun. Masarap naman ang strawberries.
"Hanap tayo ng mabibilhan ng Nutella mamaya ha?" Pasensya na, medyo adik sa chocolate covered strawberries ang baby ko. Pero gusto niyan ay Nutella yung chocolate. Para laging buntis.
"Hooooy!"
"Ahh. Oo sige. Meron ata sa SM dito." Tapos pumalakpak siya na parang bata.
"Marami na kayong nakuha?" Tanong ni Gaile kay Kaye.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...