Chapter 17: Blur

14 0 0
                                    

Kaye's POV

Natapos din ang vacation at lumipat na kami sa mga pad namin. Naging usap usapan sa school kaming apat dahil sa pag move out namin sa aming mga bahay at the age of 16. They think it's cool and that it means freedom. Hindi nila maisip ang konsepto ng paghahanda na ginagawa sa amin ng mga magulang namin para sa future.

Hindi nakaligtas ang break-up namin ng athlete na si Jan Santiago na ngayon ay nagiging showy sa relasyon nila ni Ann.

"uhm, Kaye. Is it true na kaya kayo nag break ni Jan ay dahil inakit siya ni Ann?" minsang tanong sakin ng kaklase kong tsismosa.

"Oh please, kaya kami naghiwalay ay dahil hindi nag work out ang relasyon namin. And would you mind telling your friends over there to stop spreading lies and rumors about Ann?" sarcastic kong sabi habang itinuturo ang mga kaibigan niyang nakatingin sa amin.

"Magaling.. magaling.. magaling.." sabi ni Gaile habang dahan dahan na pumapalakpak. "Don't be such a hypocrite girl."

Tumingin lang ako sa kanya at umiling. Ofcourse iisipin niya na nagpapaka-ipokrita at martir ako dahil ipinagtatanggol ko ang dalawang tao na sumira sa puso ko. Ann is my friend and I don't think she deserves this kind of treatment.

Alam kong kahit mukang hindi siya nagpapa-apekto ay masakit pa rin ang masabihan ng mga hindi magandang salita. I don't think na kasalanan ang mag mahal. Nag mahal ako kaya ako nasaktan, period. Walang pero pero, walang bakit bakit. Tanggap ko iyon kahit masakit.

Everyday nakikita ko silang mag kasama. Nakikita ko silang masaya. You might think na umiwas ako at piniling wag nalang pansinin ang lahat.

NO, ni minsan ay hindi ako umiwas sa kanila. I'm smart enough to know that this agony will only prolong if I don't look at the big picture. Mas pinili kong maging matapang, I need to grow.

"You okay?" paulit ulit na itinatanong ni Gaile tuwing nakkita niya akong nakatingin sa dalawa.

"Magiging okay." Yan lang din ang lagi kong sagot sa kanya.

Hindi magtatagal at alam kong tuluyan na din ako makaka-move on. It's been more than a month. At isa pa papalapit na din ang Valentine's day. Ayokong maging member ng samahan ng mga bitter at sawi ng love month.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng condo. It's late and the night is deep. Actually first time kong tumambay dito. Mayroon din ditong pool. Mas maganda ang view ng city from here than from my room. 3rd to the last floor kasi ang floor namin, so hindi mo gaanong makita ang city.

I closed my eyes as I listen to the song Sunshine and City Lights by Greyson Chance. Peaceful at relaxing ang melody pati na rin ang lyrics. When I opened my eyes, I was surprised to see something beside me.

Pink na headband? Hmm. Baka naiwan ng isang baby girl dito? Pero, wala nito kanina. CREEPY!

Kinuha ko ang headband pati ang phone kong katabi nito. Pumunta ako sa elevator na kasalukuyang nakatigil sa last floor ng building or yung penthouse. Ang alam ko sa owner ng building na ito ang penthouse. Never ko pa siyang na-meet at hindi din siya naiikwento ni Dad.

*Ting!

Bumukas ang elevator at pumasok ako. When I reached my floor pumasok agad ako sa loob ng unit ko at dumeretso sa kwarto. Nag shower ako saglit at humiga sa kama.

Pinagmasdan ko ang headband na nakuha ko kanina. Katulad nito yung mga sinusuot kong headband noong bata. May crown na design ito at sa ilalim ay may nakasulat na 'My Princess'.

"Baka Princess ang name ni baby girl na owner." Bulong ko sa sarili ko na parang baliw kasi wala naman akong kausap. I have to sleep! Inaantok na ako at kahit half day kami tomorrow ay 7:00 am pa din ang start ng class namin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon