Kaye's POV
Nagising ako dahil sa ilaw na nanggagaling sa veranda. Wait, pano ako nakauwi? *Kruuu *kruuu... Shems! Ang sakit ng tiyan ko. Napatakbo ako kaagad sa cr kasi hindi ko na kaya. Ang dami ko kasing kinain kagabi! Nakakapagsisi!
After ng wild moment ko sa banyo ay bumaba ako para makapag breakfast. Konti lang ang kakainin ko. Konti lang!
"Anong nangyari sa'yo?" yan ang bati sakin ni mom ng makarating ako sa kusina. "Bakit pawis na pawis ka? Nag work out ka ba?"
Kung alam niyo lang po. Sa Fridge ako dumiretso para kumuha ng orange juice at para bigyan na din si Mom. Siguro nasa trabaho na si Dad kaya mag isang kumakain si Mom.
"Ma, pano po ako nakauwi?"
Agad namang napangisi ang luka kong ina. "Alam mo kasi anak..." kapag sa ganyan nagsimula ang dialogue ng nanay ko asahan mo nang mahabang kwento ang maririnig mo. "Nanonood ako ng inaabangan naming palabas ng tita mo nung marinig ko ang sasakyan ni Kyle sa may gate. So sumilip ako sa may bintana tapos nakita kong buhat ka niya hanggang papasok ng bahay. Tapos sumilip ako sa may pinto at nakita kong dinala ka niya sa kwarto mo. Medyo nag tagal pa nga siya. Nag kiss ba kayo? Sabagay okay lang yun kasi dun din naman ang tu-"
"Ma! Isa lang yung tanong ko pero ang dami niyo agad nasabi. At hindi ko alam mahilig po pala kayong sumilip."
"Bakit parang ang bastos pakinggan pag ikaw ang nagsasabi ng ilang mga bagay?"
"Hahaha, ewan ko sayo ma, kumain ka nalang."
Pumasok si manang na may dalang ilang mail. "Mails niyo po mam."
"Thank you manang."
Kinuha ko yung isang envelope na color red at black. Siguro invitation na naman 'to. Pag bukas ko invitation nga para sa family reunion ng ilan naming relatives sa Batangas.
"Ma, family reunion, Batangas, sa isang araw."
"Really? Patingin nga." Si Mom ang may ilang relatives sa Batangas. Except kay Nate, sila yung mga super ka-close at kasundo kong mga pinsan. Lagi kasing may mga kakaibang trip sa buhay.
"I'm afraid hindi kami makaka-attend ng Dad mo. Mag aanak kami sa kasal sa isang araw."
"Okay lang po. Kami nalang po ni Kuya ang mage-explain sa kanila."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Novela JuvenilSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...