~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jan's POV
Nagkwe-kwentuhan lang kami ni Ann dito sa may seashore ng biglang may sumuntok sakin.
"Sh*t." Napamura ako sa sakit.
"Ibang klase ka talaga! Simula pa lang alam ko nang lolokohin mo lang ang kaibigan ko!" Kyle.
"Kyle awat na." Gaile.
Napangisi naman ako ng makita ang galit na galit na muka ni Kyle.
"Oo nga naman pare. Makinig ka kay Gaile. At ano bang pakialam mo kung kasama ko si Ann?" I said sarcastically.
"May pakialam ako dahil bestfriend ko ang niloloko mo! Kailangan ba talagang magsinungaling ka at sabihin sa kanyang nasa family vacation ka?" Hayyy. Lalo ko lang napapatunayan na may gusto nga talaga siya kay Kaye.
"Teka nga. Idaan natin 'to sa maayos na usapan." Ann
"Maayos? Sa lahat ng nangyayaring ito tingin mo meron pang maayos?" Gaile
"Teka nga. Kailangan talagang sumigaw? Hinay hinay naman. Magpapaliwanag ako." Sabi ko habang inaawat siya.
"Sige nga Jan, magpaliwanag ka. Ipaintindi mo saakin kung bakit mo ito nagawa." Nagulat ako sa nagsalita.
I guess kanina pa nandito si Kaye at nakita niya ang lahat.
"I--I---"
*slap
"How dare you!" She said. "I trusted you, i loved you!" She was about to fall, but I caught her. Pero kinuha din siya agad sa akin ni Kyle at siya na ang nagdala kay Kaye sa loob ng bahay.
Maybe this is really too much for her to handle. She doesn't deserve this. I don't deserve her.
Kaye's POV
Pagmulat ko ng mga mata ko una ko agad nakita si Kyle na natutulog sa may tabi ng hinihigaan ko. Bumangon ako na nakapagpagising naman sa kanya. Sumilip naman ako sa bintanang pinakamalapit at nakita si Gaile na parang galit na galit habang may kausap sa phone niya.
"Anong nangyari Kyle? Asan tayo?" tanong ko sa kanya.
Magsasalita sana siya pero bigla akong napatingin sa may kusina kung saan nandoon sina Jan at Ann na masinsinang nag uusap. Ngayon naaalala ko na. Nalaman ko nga pala kanina kung gaano ka-faithful at loyal ang boyfriend ko saakin. Sarkastikong sabi ko sa sarili ko.
Lumapit silang dalawa saakin at agad namang hinawakan ni Kyle ang kamay ko. Maybe he knew na masasampal ko na naman itong si Jan.
Lumapit si Ann na umiiyak and she reached for my free hand. Bahagya namang binitawan ni Kyle ang kamay ko. "Kaye I'm so sorry. I didn't mean to interfere with you relationship with Jan, pero akala ko kasi tama yung desisyon ko. Mahal ko talaga siya pero biglang lumapit saakin ang nanay ni Airon, may sakit siya at nakiusap saakin si Tita kung pwede kong pag bigyan ang gusto ni Airon." she paused for a while. " Naawa ako sa kanya. He's been nothing but a good friend to me. That was the least I can do to lessen his pain, physically and emotionally."
Oo, naiintindihan ko. Pero masakit talaga. Kahit ako ang nasa posisyon niya yun din ang gagawin ko. Pero kailangan ko pa ring maintindihan ang side ni Jan. Nanahimik lang ako at inintay siyang mag salita.
"Kaye, alam kong gago ako kasi alam kong unang beses mong mag mahal pero sinaktan kita. Akala ko kasi tama ang desisyon ko. Akala ko wala na siya dito." sabay turo sa dibdib niya. " Pero mali na naman ako."
Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.
"T-Tell me. Minah-hal mo ba talaga a-ako?" nanginginig kong sabi.
"Minahal kita believe me. Pero hindi gaya ng pagmamahal ko para kay Ann. Sorry sorry sorry talaga." He hugged me at ki-niss ang buhok ko habang umiiyak ako. Alam kong last na ito kaya lulubusin ko na. Dadamhin ko na ang yakap niya at ang moment na 'to. Kasi after kong itanong sakanya ito, wala na ang lahat ng ito kundi isang paalala na masakit talaga ang mag mahal.
"Dito ka ba sasaya?" Lakas loob kong tanong kahit alam kong masasaktan ako sa sagot niya, kailangan ko pa ring marinig kung ano man ang sasabihin niya.
He took Ann's hand, intertwined their fingers, kissed it and simply said. "The true meaning of happiness for me is this girl standing right next to me."
I just nodded and smiled weakly. We walked out of there and went back to our house. No one dared to speak on our way back. Siguro alam nilang kailangan ko ngayon ang katahimikan pagkatapos ng lahat.
Siguro sadyang destined na akong masaktan sa love. Hindi ko sasabihing hindi na ulit ako magmamahal kasi alam kong babawiin ko lang ulit yun lahat. Pero pinapangako kong sa susunod, masmagiingat na ako kasi hindi naman biro ang mag mahal at masaktan.
Hindi ako bato para hindi masaktan, pero hindi rin ako perpekto para hindi magpatawad.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Genç KurguSa paglaki ni Kaye, laging nandiyan sa kanyang tabi ang dalawa niyang bestfriends. Sina Gaile at Kyle. Gaile is the typical girl bestfriend type, natural na maingay ito at may pagka-kalog katulad ni Kaye kaya naman nagkakasundo talaga sila. Kyle has...