CHAPTER 1 : THE BEGINNING

299 13 16
                                    

"Gago ka dre aga mo ngayon ah" may pagkamanghang bungad ni Connor kay Sol nang makalabas ito nang gate.

Hindi kasi ito sanay na maagang nagyaya ang kaibigan para pumasok dahil madalas ay ito talaga ang naantay at nahuhuli sa pagpasok. Madalas  ding pinaka rason kung bakit sila nahuhuli.

"Saan sila Kulas?" ngunit hindi siya pinansin nito at hinanap ang dalawang wala pa nang mapansing si Connor lamang ang nasa tapat ng kanilang bahay

"Wala pa, kagigising pa lang non nong mag chat ka sigurado. Ikaw ba naman kasi, biglang ang aga mo gusto pumasok" sagot ni Connor na para bang sinisisi pa siya

"Dre hindi mo ba gets? Lagi siyang naglilinis mag-isa kaya syempre pagkakataon na natin" pagpapaliwanag naman ni Sol sa kaibigan

"Teka...seryoso ka talaga don dre?" hindi makapaniwalang tugon ni Connor

"Wala nang atrasan dre" kumibot ang isang mapaglarong ngisi sa mga labi ng binata

"Iba ka talaga Sollirim Vincenzo Astrero" pagpalakpak ni Connor dahilan para ngiting-ngiti namang umangkas si Sol dito

"Ate hintayin mo ako!!" sigaw ng nakakabata na kapatid ni Eilie bago pa siya tuluyang makahakbang papalabas ng pinto.

"Dalian mo ma l-late na naman ako!" pagmamadali naman ng dalaga rito dahil napaka hirap naman talaga malate sa school nila lalo pa at SSG Vice President siyang naturingan.

"Teka po mag sasapatos na lang! Ate pahiram ng blue sneakers mo!"

Hindi na siya umangal  dahil 7:08 am na, maglilinis pa siya sa garden nila dahil kung hindi ay mapapagalitan na naman sila ng adviser nila.

Sabay ang magkapatid na lumabas ng kanilang bahay at pagkasarado nila ng pinto ay sakto namang pag busina ng sasakyan. Tumakbo sila patungo ng garahe at agad sumakay sa sasakyan.

Hindi naman sila mayaman, pero hindi rin naman sila mahirap. Sa katunayan ay hindi nila sariling bahay ang tinutuluyan nila bagkos ay sa mga magulang ng tatay niya. Ang lupa ay hindi rin naman nila pagmamay-ari bagkos ay sa tiyahin ng tatay nila. Second hand lang din ang kotse nila at lumang modelo dahil kailangan ito ng tatay niya sa negosyo nito.

Tatlo silang magkakapatid, si Eilie na panganay, si Holter na sumunod sakanya at nasa Grade 8, at ang bunso nilang si Lucio na siyang nasa elementarya at Grade 5.

Nauuna talaga sila ni Holter na maihatid dahil ayaw na ayaw ni Eilie ang na l-late.

"Bye bey" kaway niya sa bunsong kapatid bago sila sabay na pumasok ni Holter.

"Ate hihintayin ba kita mamaya? Kapag wala ako sa gate nauna na ako ha" pagpapaalam ng kapatid bagay na tinanguan ni Eilie tsaka kumaway rito dahil magkaiba sila ng ground.

Nasa ibaba ang mga junior samantalang nasa itaas na ground naman silang mga senior.

Dumiretso siya sa classroom nila at nakitang may mga ilang kaklase na siyang nandoon. As usual ay may iba-iba silang ginagawa. May ibang nag r-review, may mga naglalaro ng online games, may gumagawa ng assignment, may nag c-cellphone, may nag k-kwentuhan at may ilang naglilinis.

Napabuntong hininga nalang talaga siya. Kaya palagi silang napapagalitan at ang rason ay laging cellphone. Kaya rin araw-araw tuwing umaga ay kinokolekta ang mga phones nila, and the worst is permitted ng kanilang mga parents. Hinahayaan lang silang gamitin ang mga ito if needed sa subject and permitted ng subject teacher. Parang naging batas na iyon ng SHS.

Pagkalapag niya ng kaniyang bag ay pumunta siya sa may broom box at kumuha ng isang walis at dustpan.

"Beh sorry hindi kita masasamahan hinahabol ko 'tong assignment natin sa first subject" biglang sulpot ni Andrea na ikinatango siya

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now