“Kuya Ethan laro tayo Minecraft mamaya, connect tayo”
“Sige ba. Gagawan kita ng floating ice castle!”
“Sige sige! Gusto ko ‘yong maraming ice creatures!!”
“Sige ako bahala sayo”
Ginulo ni Ethan ang buhok ni Lucio na sa mga oras na iyon ay hindi na makapaghintay sa paglalaro nila ng Kuya Ethan niya.
Dati ay sila lang ni Ethan ang naglalaro non pero ngayon ay pinalitan na siya ng kapatid at mas malala pa ito. Siguro ang right term para rito ay ADDICT na ang kapatid niya sa Minecraft.
Hindi rin lingid sa kaalaman ni Eilie na pangarap ng kapatid desenyuhan ang silid nito ng Minecraft theme. 2 basic Minecraft lego collections pa lang kasi ang pagmamay-ari nito na nabili nila sa mall tapos iyong tigmumura lang.
Lucio has always been good to his studies at maraming nagsasabing nagmana sakanya ang kapatid. Kaya gustong-gusto rin ni Eilie isakatuparan ang pangarap na iyon ng kapatid. However, she can't grant him that yet. She just hopes Lucio could wait a bit more.
“Sa milkteashop muna tayo para may laman tiyan natin habang nagtitingin-tingin ng mga damit” suhestyon ni Ethan saka nagpauna upang pagbuksan sila ng pintuan
Halata ang galak at kislap ng mukha nito habang iginagaya sila kaya napabuntong hininga na lang si Eilie saka sinundan ang kapatid na pumasok sa shop. Mabilis din namang sumunod si Ethan na inantay pa muna makapasok ang isang ginang na may edad na bago tuluyang isinarado ang pinto.
“Anong gusto niyo? Hanap na rin kayo ng upuan”
“Kuya ako gusto ko chocolate ha. Kahit anong chocolate basta hindi mapait” saad ni Lucio dahilan para matawa si Ethan saka tumango at nag thumbs up dito bago nito ginulo ang buhok ng bunsong Vajellos
“Ikaw Eilie?”
“Chocolate rin” maikling sagot ni Eilie saka tumingin sa paligid
Ethan immediately walks towards the cashier. Mabuti na lamang at mabilis umusad ang linya kaya hindi ito natagalan sa pagpila.
The people around are quite busy towards towards their own worlds. They doesn't seem to mind other people around them and they're just really there to enjoy.
It's a relief.
“Ate feeling ko gusto ka ni Kuya Ethan”
Tinaasan ng kilay ni Eilie ang kapatid dahil sa biglaang sinabi nito. Mabilis tinignan ni Eilie ang lalakeng nasa counter at kinakausap ang cashier. Marahil sinasabi na nito ang kanilang order.
“Feelingero ka lang talaga. Bunganga mo baka marinig ka niya” pinandilatan niya ito ng mga mata
“Totoo kaya. Ang bait-bait niya sayo malay mo naman” hindi paawat pa rin na dagdag nito
“Mabait din naman siya sayo. So gusto ka rin niya?” sarkastiko niyang balik sa malisyosong kapatid
Tunay naman na mabait si Ethan pero never sumagi sa isip niyang may gusto sakanya ang kaibigan. Para sakanya ito ay dahil magkaibigan sila at malapit sa isa't isa kaya ganoon ang turing nito sakanya... parang kapatid.
“Sabagay may Kuya Sol ka naman na” pang-aasar pa nito dahilan para mas pandilatan niya ito ng mga mata at inambahan na ibabato ang decor sa mesa nila.
“Kuya Sol? Sino ‘yon?”
Tumahimik si Eilie saka patay malisyang binuksan ang telepono.
Napansin ni Ethan na wala siyang balak sagutin ni Eilie kaya kay Lucio siya lumingon.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RandomEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...