CHAPTER 8

35 3 0
                                    

LATE-DATE

Mabilis na lumipas ang bakasyon na inilaan para samin. Ngayon nga ay kinakailangan kong magmadali dahil lunes at may gaganaping flag ceremony. Kami rin kasi ang naatasang mag organized ng mga studyante.

Maliban doon ay ngayon din ang naka sched na practice namin for the upcoming school debate na gaganapin na sa Biyernes. Hindi na kasi namin ito mapagtutuunan ng pansin sa mga susunod na araw dahil ang exam namin ay miyerkules at huwebes.

Lakad takbo ang ginawa ko paakyat ng gym dahil kapag nahuli ako siguradong mapagsasabihan na naman ako nito ng SSG adviser namin. Although hindi naman siya gano'n kastrikto at hindi naman niya kami pinapagalitan sadyang napagsasabihan lang syempre bilang isang officer ng mataas na organisasyon ay nakakahiya pa rin mapagsabihan lalo na sa harapan ng mga co-officers mong junior.

"Elyang!"

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang President naming kumakaway kasama ang mga representatives naming juniors.

"Pres!" hinihingal akong tumabi sa mga ito dahil nagbabantay sila sa front gate ng gym.

Ceejay Perez, ang kasalukuyang SSG President ng school namin, na kaklase ko rin. Hindi siya bias pero hindi rin siya inconsiderate, bukod don ay talagang committed siya sa posisyon niya. Siya rin ang nag-guide sakin given na wala akong experience sa leadership, pero talagang siya ang nagkusang tumulong sakin.

Inabutan ako nito ng tubig bagay na labis kong ipinagpapasalamat dahil pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga ano mang oras.

"Salamat" hingal ko pa ring pasasalamat dito

"Sakto lang dating mo bakit ka pa kasi tumakbo, kita mong pataas 'yang daan" sermon pa nito sakin

"Keri lang buhay naman akong nakarating" biro ko pa rito

"Elya, kasama mo itong tatlong junior, kayo ang kukumpas. Ako sa prayer, si Ate Ash na sa panunumpa at panata. Si Kuya Je na sa speaker, at 'yong iba mahahati kayo, may magbabantay ng gate, meron ding tatabi sa mga studyante para bantayan kung may magpapasaway." utos nito bagay na ikinatango namin

"Good luck" pagtapik pa nito sa balikat ko bago naunang naglakad patungo sa stage

"Sinong gusto mauna? Pili na kayo ako na bahala sa hindi niyo pipiliin" pagharap ko sa mga kasama kong naatasan na kumumpas

At dahil nga ang mga napili nila ay ang pangalawang kanta hanggang sa panghuli at ayaw talaga nila mauna ay wala na akong nagawa. Ako ang mauunang kukumpas.

"Kaya mo 'yan ate malaki ka na" pagbibiro pa ng mga ito sakin

Pagkatapos nga ng prayer ni Ceejay ay ako na ang sumunod. Given na may stage fright ako ay hindi nalang ako tumingin sa mga audience bagkos ay tumingin ako sa itaas ng mga ulo nila. That way ay nabawasan kahit papaano ang kaba ko.

Hindi naman ito ang unang beses na pagkumpas ko sa harapan dahil naranasan ko na rin ito sa lower years ko pero it's been a long time at sa elementary ko pa 'yon naranasan.

"Patay" pagkamot ng batok ni Jodel habang nakasilip sa gate

"Pasok po pero pumila sa late lane" magalang na utos samin ng mga junior na officer

"Ne baka pwede mo kami ma-pass. Unang beses pa lang naman namin ma late sa flag ceremony" pagdadahilan pa ni Connor

Nagkatinginan ang dalawang namumulang junior ngunit siniko ito ng isa.

"P-pasensya na po mga kuya pero mahigpit po kasing inutos ng President na wala po kaming papaboran. K-kami rin po kasi ang mapapasama kapag ginawa namin 'yan" magalang pa rin na sagot ng mga ito at bahagya pang yumuko marahil upang itago ang hiyang namumuntawi sa kanilang mukha

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now