CHAPTER 10

38 1 0
                                    

Mabilis akong bumalik sa loob ng faculty. Hindi ko alam kung paano ipo-proseso ang lahat ng narinig ko.

Ibig sabihin magkakilala sila? Pero sino ba si Vien? Anong ginawa ni Judie Caballero at muntik na niya itong mapatay?

Lihim akong napalunok nang saglit na tumigil si Judie sa harap ng table na kinauupuan ko. Bahagya kong inangat ang tingin upang makita ang mugto nitong mga mata na may pait na nakatingin sakin.

Akmang tatanungin ko palang kung ayos lang ba ito nang talikuran na ako nito, sakto rin namang nagsipasukan na isa-isa ang mga teachers kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.

"Kamusta Eilie?" nakangiting pangangamusta ng isa naming teacher sa ginagawa ko.

"May pumapasok naman ma'am" sagot ko naman dito

May mga sinasabi pa ito habang nakaupo sa table niyang nasa tabi ko pero doon ay lumayo na ang isip ko sa faculty.

Bumabalik sakin ang mga narinig ko kanina at kung gaano kagalit si Sol kay Judie.

"Huy!" nabalik lamang ulit ako sa realidad nang gulatin ako ng pinsan ko

"Uuwi ka?" tanong ko rito nang makitang bitbit nito ang kaniyang bag

Madalas kasi ay kumakain ito sa classroom nila kasi nagbabaon siya.

"Oo, kaya nga sasabay ako sayo"

Lumawak ang mga ngiti ko at masayang lumingkis sa braso nito.

Siya si Jade, Grade 12, at isa ring Humanista. Obviously, one year ahead siya sakin. Graduating na siya ng highschool kaya medyo nakakalungkot pero syempre mas nangingibabaw ang tuwa kasi atleast mapapatunayan niya sa mga humila sakanya pababa na kinaya niya lahat, na hindi siya apektado, at mali sila ng inisip tungkol sakanya.

Kolehiyo nalang at talagang maipagmamalaki na nitong nakapagtapos na siya. Kapag nangyari 'yon siguradong isa ako sa pinakamasaya para sakanya.

"Lalim naman ng iniisip" pagsagi nito sa bewang ko

"Iniisip ko kasi kung paano makapasok sa honor list nang walang ginagawa" pagbibiro ko

"Ayan kalsada oh pasagasa ka nalang walang gano'n sa senior high" natatawa ring hirit pabalik nito

*peep*

Sabay kaming napalingon sa motor na bumusina.

"Ayon naman pala" nang-aasar ko itong tinignan

Hindi na maipinta ang mukha nito sa lawak ng pagkakangiti.

"Gusto mo sumabay?" alok nito sakin bagay na mabilis kong tinanggihan

"Sige na, aantayin ko lang saglit si Holter. Palabas na rin 'yon" pagtulak ko rito

"Sige una na ako ha" kaway nito kaya kumaway ako pabalik

"Ingat" I mouthed at nag thumbs up lang naman ito sakin

"Wooooooo!"

Napatingin kami sa mga humihiyaw.

Napailing nalang ako nang makita ang grupo ni Sollirim.

Dalawang motor ang gamit nila at nakaangkas sila ni Jodel habang si Connor at I think Kulas ang may hawak ng dalawang motor.

Nahagip din ako ng mga mata nito kaya nagkatinginan kami. Muntik pa akong mapataas ng kilay nang bigyan ako nito ng matamis na ngiti.

Those smiles

Nakakairita. Nakakainis. Nakakapikon.

Paano niya nagagawang ngumiti gayong hindi ko matanggal sa isip ko ang paraan niya ng pagtingin kay Judie Caballero kanina? Kung gaano ito nagngingitngit sa galit na kung hindi nito napigilan ang sarili ay baka napatay na nito ang babae.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now