CHAPTER 13

24 1 1
                                    

“Oh”

Napalingon silang tatlo sa nagsalita at may inaabot na mga juice.

Agad sumilay ang ngiti sa mga labi ng mga ito pero nang makita ang isang pamilyar na tao sa likod nito ay agad napawi ang mga ngiting ito.

Nagsisikuhan pa ang mga ito kung sino ang aabot sa mga Nova na hawak-hawak ng lalakeng walang iba kundi si Dwayne, ang classmate ni Eiliethyia.

“Bayad” paglahad ni Eilie sa kamay niya pagkaabot ng mga pinabili ng apat

Padabog naman itong inabot ni Sol habang bahagyang sinasamaan ng tingin ang lalakeng nasa likod ng dalaga.

Problema ng baliw na ‘to?

Pinili na lamang ni Eilie na balewalain ito.

“Hindi ka na naka uniform a” simpleng tanong ni Jodel sakanya nang mapansing nakapagpalit na ito

Natigilan naman ang dalaga pati ang iba animoy pare-parehas sila ng konklusyon at naiisip.

Maging si Sol na masama ang tingin kay Dwayne ay napasulyap sa suot ng dalaga na hindi niya napansin kanina at bahagyang napakuyom ng kamao.

Did Samantha bully her...again?

Mas sumama lamang ang timpla ng mukha ni Sollirim at agad naman itong napansin ni Kulas at Connor habang si Jodel ay inosente lamang na kumakain, walang kaalam-alam sa naging konklusyon ng mga kaibigan.

“Napawisan, pinaglinis kasi kami kanina sa classroom” pagsisinungaling ni Eilie

Pero kahit pa gano'n ay hindi magawang maging kumbinsido ni Sollirim.

He finds her strange. Bakit nito pinagtatakpan ang ginagawa sakanya ni Sam? Hindi gano'n ang inaasahan niyang tugon ng dalaga. Alam niyang matalino itong tao at isang matapang na babae. It's very impossible of her to be threatened by the bitchness of Samantha. Hindi niya iyon ma-imagine.

Anong plano nito?

“Ahh, oo nga pala Eilie baka gusto mong sumabay samin pag-uwi. Maglalakad kami hanggang sa tindahan ni Manong Nilo kasi iniwan namin doon iyong mga motor. Kain din tayo, libre ni Sol” pag-aya nito sakanya kaya mabilis na napatingin ang tatlo sakanya bagay na hindi niya pinansin at inantay lamang ang tugon ng dalaga

Sigurado naman siyang gusto rin ng mga ito ang ideya niya... kahit on the spot ang birada niya.

“Pass, kasama ko rin kapatid kong uuwi” mabilis na tanggi ng dalaga

“Magpapaturo rin ako sa lesson namin ng Stats and Prob, may deal tayo remember?” mabilis din namang gatong ni Sol dahilan para napabuntong hininga na lang si Eilie

Ano pa nga ba? E may utang nga siyang binabayaran dito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi niya ang mga ito mataboy-taboy at malayo-layuan... dahil sa kasalanan niya kay Sollirim.

“Fine. Antayin niyo ako sa crossing” pagsuko ng dalaga

“Ayon oh!” pag high five naman ni Connor at Jodel

Napangisi naman si Sol at Kulas.

Pawang mga parehas ngiting tagumpay.

“Wala na HO ba KAMAHALAN?” pag emphasize niya ng mga salita habang pikon na nakatingin kay Sol

“Para sayo”

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa inaabot nitong Nova at Nestea.

“Sayo ‘yan, kaya kong bumili ng akin” tanggi niya rito

“Kunin mo na, nangangalay na ako” parang walang narinig nitong pagpupumilit

“Edi mangalay ka bingi ka ba? Sabi nang ayoko”

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now