CHAPTER 14

37 2 0
                                    

Eiliethyia's POV

Nang makilala niya ako ay walang sabi-sabing umalis na ito sa harap ko.

I don't know what to feel. She looks unwell and tired. She was so pale that I wanna ask how is she doing?

Pero sino ba naman ako para sagutin niya? I was just a total stranger who act like I knew her when in fact, I just met her.

Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sobrang concern ako sakanya.

I just don't want to be on her bad side...I guess?

Umiling ako saka pilit binalewala ang nangyari. I tried to focus finding what's on my list.

Panghuli sa listahan ko ay karne ng baboy kaya mabilis akong nagtungo rito.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga karneng ito but I really couldn't find out kung ano ang fresh sa hindi. Binilin kasi ako ni papa na kunin ko raw iyong mas fresh pero hindi ko naman alam kung alin.

I keep staring at the marveling meats.

“Kunin mo ‘yong nasa left side pinaka dulo. That's the freshest one”

Mabilis pa sa alas kwatrong napalingon ako sa nagsalita. He didn't even look at me at inabot lang nito ang bayad niya sa karneng napili niya saka inantay itong mabalot.

Kulas?

“Paano mo nasabi?” may bahid ng pagdududang tanong ko rito

“Experience” maikling sagot nito saka nagkibit balikat

Saktong inabot na sakanya ang binili niya at agad din siyang naglakad paalis.

Weird

I really can't remember having a long conversation with that guy. Sobrang matipid nito sa mga salita.

Nilingon ko ang tindera saka itinuro ang sinabi ni Kulas. Hindi ko na pinansin ang makahulugan nitong mga tingin at ngisi.

“Kunin ko po ‘yon” magalang kong turan dito na agad din namang ibinalot ng tindera

“Marunong talaga ang batang ‘yon dahil suki siya rito sa palengke” maunawaing paliwanag nito sakin kahit na hindi naman ako nagtanong kaya marahan akong tumango rito

“Mabait ‘yang batang ‘yan kahit napaka tipid magsalita. Gusto ko nga sana ipakasal sa anak ko pero mukhang may nauna na” may halong pang-aasar nitong dagdag

Naguguluhan man ay binigyan ko ito ng pekeng ngiti at inabot ang bayad ko nang i-abot din nito sakin ang plastic ng pinamili ko.

“Sige ho” paalam ko rito na tinanguan lamang ng nakangiti pa ring tindera

Tinungo ko ang bukana ng palengke para makahanap ng tricycle at makauwi na.

May ganap kasi kila Tita kaya inutusan niya akong mamili.

May driver na kumaway sakin at sumisigaw na doon na ako sumakay kung sa plaza ako pupunta kaya naglakad ako patungo rito.

“Sa plaza po” paalam ko rito saka akmang uupo na sa loob nang makita ko na naman ang pamilyar na bulto ng tao

Kulas...

Walang emosyon itong tumingin sakin kaya winala ko rin ang emosyong sandaling lumukob sakin at casual na umupo sa tabi nito.

Katahimikan ang namayani saamin pero unlike the usual ay sobrang awkward ng tagpo na ito.

This was unusual at hindi kinakaya ng sistema ko ang ganito ka awkward na momentum.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now