CHAPTER 9

41 3 0
                                    

ISSUES

Pagod akong umupo sa hagdan at sumandal sa railings ng hagdan.

Kanya-kanya rin namang upo ng iba at baba ng mga walis.

"Oh" abot sakin ni Andeng ng isang panyo saka tubig

Sakto at naiwan ko sa bag ko ang panyo ko.

"Salamat" pasasalamat ko saka ito mabilis na binuksan upang maka-inom habang bahagyang pinupunasan ang tagaktak na pawis

"Huwag na tayo bumalik sa classroom. Hindi ba tayo i-eexcuse? Pinaglinis-linis tayo syempre napagod tayo" panghihikayat ni Avnir sa iba pa naming kasama na tumatango at sumasang-ayon

"Ikaw, babalik ka?" lingon sakin ni Dwayne dahilan para tumingin sila lahat sakin

"Oo" pagsandal ko muli sa rail ng hagdan saka bahagyang pinaypayan ang sarili gamit ang panyo ni Andeng

Tumango sina Andeng hudyat na sang-ayon sila sa gusto ko. Habang ang mga kalalakihan ay tila dismayado sa narinig lalo na si Avnir na nakasimangot sakin kaya tinaasan ko lang ito ng isang kilay.

"Basta ako babalik din" pag-inom din naman ni Dwayne sa tubig niya

"Ako rin" pag-iwas din ni Dave ng tingin mula kay Avnir dahilan para lihim akong matawa

"Balik nalang tayo" pagsuko ni Avnir at pabiro pa akong inirapan

Hindi ko nalang ito pinansin at tumayo upang iligpit ang mga nagamit namin.

Hindi naman kami nagtagal sa pag-aayos dahil marami kami. Pagkatapos na pagkatapos din ay bumalik na kami sa classroom saktong inaantay rin kami ng second subject teacher namin.

"Dahil naglinis kayo ng CR, wala akong ipapagawa sainyo ngayon. You can use your phones pero as quiet as possible. Kapag nakarinig ako ng ingay magpapa quiz ako ng 50 items" nakataas ang kilay na saad nito dahilan para tahimik kaming magdiwang

Napatingin kaming lahat kay Tyrone nang magtaas ito ng kamay.

"Ma'am pwede lumipat ng upuan?" tanong nito dahilan para bumalik ang tingin namin kay Ma'am Wena

"Ok you can transfer seats pero do that as quiet as you can"

Pagkasabi palang non ay kanya-kanya nang lipat ang mga kaklase ko. Sa isang iglap din ay nasa tabi ko na si Andeng at agad sumandal sa balikat ko habang si Shane ay umupo sa harapan namin at pinagigitnaan nina Tyrone at Precious.

"Dwayne laro tayo" rinig kong paglapit ni Avnir sa katabi kong si Dwayne

"Anong laro na naman 'yan?" pagsilip ni Dwayne sa cellphone nito

"Ganito lang, ibabato mo lang 'yong hawak niya sa kalaban hanggang sa mamatay" turo nito kay Dwayne na siyang tumango naman

Bahagya pa nitong hinila ang ilang hibla ng buhok ko bago nagmadaling umupo sa tabi ni Dwayne.

Pinakita ko rito ang kamao ko but he just stick his tongue out mocking me. Pasalamat talaga ito at nakasandal si Andeng dahil sasamain talaga ito sakin.

Napagpasyahan ko nalang magbasa ng webtoon sa phone ko pampalipas ng oras.

"Tangina nakakadiri naman" rinig kong hindi mapigilang komento ni Dwayne sa nilalaro nila

"Pakita mo kay Elyang" rinig ko rin na bulong ni Avnir

Hindi nga ako nagkamali at iniharap sakin ang nilalaro ng mga ito. Hindi ako umiwas dahil curious din ako kung ano ito. Dati kasi ay chess ang inaalok ni Avnir.

Muntik na ako mapamura nang makita kung paano ito dahil talagang nilaro pa ni Dwayne habang nakaharap sakin ang monitor.

Nagbabatuhan ang dalawang magkalaban hanggang sa malasog-lasog ang katawan nila. Bumubulwak din ang dugo ng mga ito at lumalabas ang mga buto.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now