CHAPTER 2

144 9 3
                                    

"Solliri- este Ate" mapang-asar na bungad ng kapatid ko

Kung hindi ko lang talaga 'to madalas utusan papatulan ko 'tong asungot na 'to e.

"HA.HA" pekeng pagtawa ko rito at umambang ibabato sakanya ang hawak kong tinidor

Kung makaasar akala mo naman hindi nagsusumbobg tuwing may nakikitang umaaligid na lalake sakin.

"May naghahanap sayo sa labas! Si future brother in law!" hindi man lang natakot na hirit pa nito saka naupo sa tapat kong kumakain

Napaka corny talaga ng kapatid ko na 'to. Minsan talaga napapaisip ako kung kanino ba 'to nagmana? Punong-puno ng kakornihan sa katawan.

"Siraulo! Sino 'yon?" may bahid ng kuryosidad na tanong ko rito

Huwag mo sabihing andiyan na naman siya?

"Edi si Kuya Sol ulit! Masumbong nga kita mamaya kay papa. Nagpapaligaw ka na ha" pang-aasar pa nito

I just made faces and stood up leaving the dishes on the sink.

"Maghugas ka pagkatapos mo kumain ha" utos ko rito saka lumabas

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko nga ang pamilyar na likod ng isang lalake sa may gate.

Ano na naman kaya 'yon?

Noong makalawa nagpatulong sa research, kahapon naman nagpaturo sa math, ano naman kaya ngayon?

Lumawak ang mga ngiti nito nang makita akong papalapit sa gate.

"Hi" malaki ang ngiting bungad nito sabay abot ng isang paper bag

"Ano 'to? Para saan?" sunod-sunod na tanong ko saka sinilip ang laman

A perfume?

"Token of gratitude for patiently entertaining me. Nabanggit kasi sakin ng kapatid mo na mahilig ka raw sa pabango. Nang makita ko 'yan naalala agad kita kaya binili ko na" diretsong paliwanag nito

Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa pabango.

"Calvin Klein??!" hindi mapigilang bulalas ko

Ang ngiti nito ay mabilis na napalitan ng ngisi.

Partida e halos nakikita ko lang sa online tapos sale pa, minsan na-order lang sa avon o kaya mga mura lang sa divisoria 'yong mga pabango ko.

"Ayoko shuta siguradong mahal 'yan" pilit na pagbabalik ko sa paper bag

Baka kung 'yong mga tag-mura lang sa divisoria matatanggap ko pa pero shuta beh BRANDED.

Branded ang binigay e halos sinusungitan ko siya tuwing pumupunta siya rito sa bahay.

"Deserve mo 'yan tsaka regalo 'yan. Sige ka, malas pa naman daw tumanggi sa mga regalo" threaten pa nito habang nakataas ang dalawang kamay sa ere ayaw nang tanggapin muli ang binigay nito

Inilapag ko ang paper bag sa semento.

"Hindi. Hindi ko matatanggap 'yan." matigas na pagtanggi ko at wala na dapat balak kunin ang paper bag ngunit hindi talaga ito nagpapatinag

"Ikaw din, ibibigay at ibibigay ko 'yan hanggang sa tanggapin mo. Dadagdagan ko pa nang dadagdagan!!" lokong turan nito

"Bahala ka sa buhay mo-" akmang tatalikod na ako nang hilain ako nito sa braso

Nagkabunggo ang mga dibdib namin mula sa pagkakahila nito saakin. Nagkalapit ang mga mukha namin dahilan upang sandaling bumagal ang ikot ng mundo sa paligid namin.

Ang tingin ng mga mata nitong ngayon lang nagkaroon ng epekto sakin dahil bahagya itong nagdulot ng kakaibang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong naisip ko at napatitig ako sa mapupula nitong mga labi. Pigil ang paghingang iniangat ko muli ang tingin upang matignan na nakatitig din ito sa mga labi ko.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now