"Hoy hangover ka 'no?" Napa-angat ng ulo si Eilie dahil sa tanong ng isang kasama nila na si Lorence. Nang makitang walang staff na nakarinig ay sinamaan niya ito ng tingin habang nagtawanan naman ang mga kasama nila.
Nasa law office kasi siya dahil doon siya na-deploy para sa work immersion nila. Kasama niya ang mga schoolmates na sina Dwayne, Clifford, Rian at Erin samantalang galing naman sa ibang school sina Lorence, Jane, Oliver, Axellie at Yana.
Bale 10 immersionists lahat ang nasa law office pero mababawasan sila as days go by dahil mas nauna ang mga itong na-deploy, ibig sabihin mas mauuna rin silang matatapos. Makakasama nila ang limang galing sa ibang school ng 1 week.
"Ano nga? Lantang gulay ka e." pangungulit pa nito kaya sinamaan niya ulit ito ng tingin
Sa loob kasi ng apat na araw na magkakasama sila maghapon ay nakagaanan na nila ang mga ito ng loob lalo na si Lorence at Oliver o Olivia raw sa gabi. Sa loob din ng apat na araw na yun ay naging paborito siyang asarin ni Lorence bagay na kinaaaliwan naman nilang lahat.
"Sungit a concern lang yung tao. Sabihin mo na para mabilhan kita ng pineapple juice. Effective yun." ayaw paawat na saad pa nito
"Grab the opportunity, ma'am! Libre niya walang mawawala sayo" mahinang paghampas sakanya ni Oli na katabi saka nito marahang hinagod ang likod niya dahil nakapatong ang ulo niya sa mahabang mesa na nasa harapan nila.
Sila kasi ang nakatoka sa pag-entertain ng mga kliyente na magpapa-notaryo. Ang iba ay ang mag s-seal, ang isa ay sa logbook, at ang iba ay ang magpapapirma sa mga attorney.
"Puyat lang ako" maikling tugon niya sa mga ito
"Naku po! Nag-away siguro sila ng jowa niya" hirit pa muli ni Lorence dahilan para malakas na matawa si Erin saka hinampas si Dwayne na tahimik lang at nakikingiti.
"Ang bibig Lorence may nasasaktan" hirit ni Erin dahilan para matawa rin si Rian
"Ay boy sorry HAHAAHAHAHAHAHHAH mahilig ka pala sa sadista" hirit pa muli ni Lorence kaya inirapan niya ito
Natigil lamang sila sa asaran nang may mga kliyente nang nagsidatingan. Naging abala na sila lahat sa dami na namang tao at sunod-sunod. Pero wala pa ito sa dami ng tao noong lunes na halos hindi na sila makapag-break kahit lunch.
Mabuti na lamang at mabait ang mga empleyado dito kaya pinapalitan sila tuwing lunch at pinapauna sila kumain, free lunch pa kaya tipid talaga. Minsan din ay nililibre sila ng snacks kapag good mood ang mga attorney.
*****************
"Kaya mo 'yan, Eilie" pagmasahe ni Clifford sa likod ni Eilie nang makita itong iniinda ang likod
"Salamat" napapikit siya dahil nakaka-relax ang ginawa nito
Malapit na ang out nila. Kaya medyo kumonti na rin ang tao.
"Oh candy para hindi antukin" paglapag naman ni Dwayne ng candy sa harapan niya dahil kararating lang nila ni Lorence galing store at nagmeryenda
Natawa siya dahil Fresh na candy ito. Kinuha niya at agad tinignan kung ano ang nakasulat sa likod nito.
"I love you"
Basa nila ni Clifford dahilan para magtawanan silang lahat habang napapakamot naman sa batok si Dwayne sa hiya. Ang totoo niyan ay alam naman talaga ni Eilie na may gusto sakanya si Dwayne pero ewan niya ba, dala na rin siguro ng katauhan nito ay hindi niya ito magawang seryosohin.
Kaya minsan ay hinahayaan na lang niya ito at nakikipagtawanan sa pang-aasar ng iba. Most of the time naman ay sinisiguro niyang may boundaries sila at hindi niya ito nili-lead on. Alam niya kasi sa sarili niyang hindi niya ito gusto at magugustuhan.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RandomEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...
