Graduation day arrived like a lie dressed in gold.
The school grounds were overflowing with white tarpaulins, balloons, and proud parents holding flowers and phones. The air smelled like fresh plastic chairs, hairspray, and nervous excitement. Everyone looked happy—too happy—like none of them knew how fragile that day really was.
Eilie stood behind the stage with her classmates, fingers clutching the edges of her toga.
"This is it," bulong ni Shane, may hawak na bouquet. "Survived natin ang impyernong 'to."
"And we're still alive," dagdag ni Andrea. "Barely."
Napangiti si Eilie, pero kabado ang sikmura niya. Hindi niya alam kung bakit—parang may mali sa hangin. Parang may paparating na bagyo sa gitna ng araw.
Mula sa gilid ng entablado, nakita niya ang pamilyar na pigura ni Samantha at mga alipores nito. Maging ang mga junior na nanubok i-bully ang kapatid niya noon.
Nginisian siya ni Samantha, naka-high heels kahit graduation, pulang lipstick, at matang puno ng galit na parang matagal nang hinihintay ang sandaling ito. Masama ang kutob niya sa impakta.
Huwag mo silang pansinin, sabi niya sa sarili.
Pero alam niyang hindi gano'n kadali.
Nagsimula ang programa.
Tinawag ang mga honor students. Tumugtog ang graduation march. Isa-isang umakyat ang mga estudyante sa entablado.
Hanggang sa—
"With high honors... Miss Eiliethyia Cihraniy Vajellos."
Palakpakan.
Tumayo siya. Ramdam niya ang mga mata ng lahat. Ang kaibigan niya ay nag-cheer. Ang tatay niya ay pumalakpak sa audience. At kahit si Bea ay nakangiti.
Tumanggap siya ng diploma. Yumuko. Ngumiti sa kamera.
At doon—
Isang babaeng naka-school blazer ang lumapit sa kaniya, may hawak na malaking kahon na may gintong ribbon.
"Graduation gift po," sabi nito. "Galing sa kaibigan mo raw"
Nagbulungan ang mga tao.
Napakunot ang noo ni Eilie. "Para sa akin?"
"Opo. Buksan mo raw."
Naramdaman ni Eilie ang lamig sa sikmura niya.
Pero binuksan niya ang kahon.
At doon—
Nagbulungan ang mga tao.
Sa loob ay may mga litrato.
Mga litrato niya.
Mga litrato niya noong gabing wala siya sa bahay. Noong dinala siya ni Kulas. Noong umiiyak siya. Noong wasak siya.
May kasama pang papel.
"Anak ng lalaking may kabit.
Babaeng sumasama sa lalaki sa gabi.
Ganitong klase ba ang with honors?"
Nanlaki ang mga mata ni Eilie.
Ang mga bulong sa audience ay parang alon.
"Siya 'yun?"
"Grabe..."
"Kaya pala..."
"AYAN!" sigaw ni Samantha habang nakatayo. "Iyan ang totoong ikaw!"
Napaatras si Eilie.
"Hindi—" nanginginig niyang sabi. "Hindi totoo 'yan..."
Pero ang mga litrato ay totoo.
At mas masakit pa—
May kuha si Kulas sa isa.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RandomEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...
