CHAPTER 19

21 1 0
                                    

"Pls pls pls let me survive" parang baliw na niyang paulit-ulit na pinagbubulong

"Hoy"

Para siyang aatakihin sa puso nang may tumawag sakanya non. Hindi niya ito magawang lingunin dulot ng nagkukumabaw na kaba.

Eto na ba? 

Katapusan na ba niya? Pano na lang ang mga kapatid niya? Ang mga pangarap niya.

Napapikit na lang siya habang nagdarasal sa isip-isip.

Nang makalipas ang ilang minuto na walang nangyari sakanya ay napag desisyunan na niyang sumilip sa pamamagitan ng unti-unting pagmulat sa kaliwa nitong mata habang pinanatiling nakapikit ang isa.

Meron ngang itim na pigura na halos kapantay lang niya. Hindi lang niya masyadong naaninag ang mukha nito dulot ng pagkakapikit niya masyado sa kaniyang mga mata kanina ngunit sigurado siyang isa itong pigura ng lalake na nakasuot ng itim na damit.

Ngunit bago pa man tuluyang maging klaro ang paningin niya at makita kung sino ang taong 'yon ay bigla siya nitong tinakpan sa bibig at pwersahang hinila. Pinilit niyang magpumiglas ngunit walang laban ang lakas niya kumpara sa lakas nito. 

Hindi na niya mapigilang maluha sa sinasapit dala ng takot at kaba sa kung anong maaring mangyari sakanya sa gabing ito.

Holter... Lucio...

Mariin siyang napapikit bago mas agresibong nagpumiglas nang maisip ang mga kapatid. Kailangan niyang lumaban at mabuhay para sa mga ito. Hindi pa siya maaaring mamatay.

Impit siyang tumili at sinusubukang sumigaw upang humingi ng tulong kahit pa mahigpit ang pagkakatakip nito sa kanyang bibig. Mukhang naalarma naman ang lalake dahil mas bumilis ang pagkakahila sakanya nito patalikod at pilit pa siyang pinapatigil.

"Fuck! Shhhh" mahinang pagpapatahimik sa kanya nito dahilan para kumurba ang kaliwang kilay niya

Ulol ba 'to? Sa tingin niya tatahimik na lang ako at aantayin ang kamatayan ko?

Dahil dito ay mas nabuhayan siya at patuloy na nagpumiglas. She keeps on squealing on top of her lungs and vocal chords.

"Hoy ano 'yon?"

"May tao yata don e"

"Tignan mo nga"

Natigil lang siya nang marinig ang usapan ng mga lalake.

"Damn I said shut up, will you? Bago pa kita iwan dito at ikaw ang isunod nilang itapon sa ilog"

She gulped when she hit her realization upon hearing a much clearer voice of the guy. Unti-unti siyang kumalma at mukhang napansin naman iyon ng lalake dahil unti-unti ring lumuwag ang pagkakahawak sakanya nito.

Palapit na ng palapit ang mga kaluskos ngunit nagawa pang lingunin ni Eilie ang lalakeng humila sakanya. Bahagya siyang napasinghap. Hindi nga siya nagkamali.

"Kulas?" mahinang sambit niya sa magkahalong gulat at pagtataka

What is he doing here? ang katanungan sa isip niya. Little did she know, that is also the question in his head right now. What is she doing here at this hour?

But before Kulas could respond to her reaction, he immediately pulled her wrist and led her somewhere out of the danger that is lurking around them.

"Do you trust me?" 

Hindi alam ni Eilie kung saan nito hinugot ang tanong nitong iyon kaya namuo ang pagkalito sa isip niya. Pero hindi na siguro iyon ang mas mahalaga sa mga oras na ito. They are in danger, they just witnessed a crime, a murder! And if they are caught by the perpetrators, they might be the next victims.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now