CHAPTER 15

41 1 1
                                    

Kinaumagahan ay maagang nagising si Eilie upang gumawa ng mga gawaing bahay bago magtungo sa bahay ng Ninong Ruel at Ninang Zaida niya.

Pagkatapos niya ay agad siyang naligo. Nagsuot lamang siya ng pulang taslan short at ash brown na t-shirt. Sinuot din niya ang reading glasses niya saka nagdala ng librong babasahin na inilagay niya sa isang beige na tote bag kasama ang iba pa niyang dadalhin dahil maari siyang mabored doon lalo na at paniguradong marami ang mga itong bisita.

Pagkababa ay dumiretso siya sa kusina upang magpalaman ng tinapay para kahit papaano ay may laman ang tiyan niya.

"Oh pupunta ka na? Ikamusta mo ako sa Ninang Zaida mo ha. Kunin mo 'yong susi ng motor tas pahatid ka na lang sa kapatid mo"

Bilin ng papa niya na kagagaling sa labas saka ito tumuloy paakyat ng hagdan.

Mabilis nitong kinain ang tinapay para makainom saka nito tinungo ang lagayan ng susi sa may cabinet at saka ito lumabas. Hahanapin pa nito ang kapatid na si Holter para maihatid siya.

Naglakad si Eilie patungo sa basketball court at tama nga siya naroroon si Holter nakikipaglaro ng volleyball sa mga pinsan niya at kababata.

"Oh Eilie! San lakad?" nakataas ang isang kilay na paglapit ng kaniyang Kuya King saka ito lumagok ng tubig mula sa tumbler na hawak nito

"Kila Ninang Zaida" maikling sagot naman ni Eilie

"Oo nga balita ko kararating lang niya kahapon. Hatian mo ako chocolates a"

Muntik na siya mapairap nang prenteng ipatong ng pawisan niyang pinsan ang braso nito sa balikat niya habang nakapamewang pa ang isang kamay nito.

"Amoy pawis ka Kian pwede ba?" may bahid ng inis na pagpapaalis nito sa braso nitong nakapatong sa balikat niya

"Ang sungit! Nasan na naman ang 'kuya' mo Eiliethyia Cihraniy Vajellos??" sarkastiko namang balik sakanya nito dahilan para tuluyan na niya itong irapan

"Holter! Hatid mo muna ako"

Hindi na pinansin ni Eilie ang mga pinsan at nauna nang umalis. They can just be really really annoying most of the times that she can't help it. Lumalabas at lumalabas ang pagiging masungit niya.

"Wait lang Kuya King ha! Hatid ko lang si Ate" tumatakbo namang paalam ni Holter sa mga kasama upang sundan ang kapatid

Mahirap na baka mag-usok na naman ang ilong nito. Nakakatakot pa naman 'yon magalit. Saksi sila ng bunso nilang kapatid kung gaano ito magalit. Sa katunayan ay mas takot pa sila rito kesa sa mga magulang nila.

Paano ba naman kasi? E ang ate lang naman nila ang lagi nilang kasama at halos ito na rin ang nagpalaki sakanilang dalawa. Ang nanay nilang nag-iibang bansa tapos ang tatay nilang laging may lakad. They are just mostly with their Ate Eilie.

Which is why no one could blame them when they pay respect towards Eilie more than their own parents.

"Saan ate?"

"Kila Ninong Ruel"

"Sus mahirap lumabas ng ganitong oras sa may highway may checkpoint. Pwede tayong dumaan sa ibang ruta pero hindi pa rin kita maipapasok kila Tito Ruel" paliwanag nito sa nakakatandang kapatid

"Ate saan ka punta?" napalingon sila parehas sa biglang lumabas sa pintuan

"Kila Ninong Ruel mabilis lang ako" tugon niya rito

"Sama ako!" nakangusong pakiusap nito pero umiling si Eilie

"Nakakahiya kila Ninong Ruel. Bibili ako ng pagkain pag-uwi, antayin mo na lang ako rito. Isa pa, wala si papa uutusan kapag sumama ka"

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now