CHAPTER 11

37 1 0
                                    

Lumipas ang apat at kalahating buwan na patuloy lamang siyang pinepeste nina Sollirim at mga kaibigan nito.

“Pwede tayong mag L.U! Libre ni Sol!”

“Uy pwede pwede”

“Pwede rin naman sa Baguio! Mas malamig!”

“O kaya sa Boracay! Mas malayo mas masaya!”

“Eilie! ikaw? saan mo gusto mag summer?”

Nabaling ang atensyon nilang lahat sa dalaga nang tanungin siya ni Jodel sa gusto niya.

Kasalukuyan itong abala sa pagbabasa ng libro habang prenteng nakaupo sa arm chair. Bahagya pang nakakunot ang noo nito dala nang kasalukuyang takbo ng kaniyang binabasang nobela.

“Sa bahay” kaswal na maikling sagot ng dalaga nang hindi man lang sila nito nililingon.

“Sama ka samin! Tapos pili ka kung saan mo gusto pumunta” pangungulit pa rin ni Jodel

“Kayo na lang, marami rin naman akong gagawin sa bakasyon”

Walang pag-aalinlangan na tanggi nito.

Dismayadong tumabi si Jodel kay Connor na ngayon ay bagsak din ang mga balikat sa naging sagot ng kaibigan.

Almost 5 months of pestering Eilie, hindi maitatangging naging malapit ang mga ito sa isa’t isa. Isa pa, ano pa nga bang magagawa ng dalaga gayong kahit anong layo niya ay ang mga ito talaga ang todo na todo kung mangulit?

“Sama ka na, sa birthday pa naman ni Jodel kami pupunta”

Pagsingit ni Sol sa usapan upang makumbinsi ang dalaga na hindi man lang nag-iba ang ekspresyon at tutok pa rin ito sa binabasa.

“Oo nga, sayang naman, first birthday ko pa naman ‘to na kasama ka namin”

“Kaya nga, hindi ka ba naaawa kay Jodel, Eilie? Tamo oh iiyak na ‘yan”

Here they goes again.

Napabuntong hininga na lamang si Eilie at sumusukong isinara ang binabasa nito.

“Pag-iisipan ko” tanging sagot nito saka mabilis na tumayo bago maingat na pinagpag ang bahagyang nadumihan na pantaloon.

“Yun oh!”

“Take your time”

“You're the boss!”

Napangiwi na lamang siya sa naging tugon ng mga ito.

“Una na ako, marami pa akong gagawin” pagdampot nito sa telepono na nasa inupuan nito kanina.

“Hatid na kita” mabilis namang pagtayo ni Sollirim

“Sheesh”
“Ayan tayo e”

“Huwag na, diyan lang sa baba ang classroom ko Sol, huwag kang aning” mabilis namang pagtanggi ng dalaga

“Kaya nga, ihahatid kita kasi diyan lang naman sa baba” ayaw talaga paawat na tugon ng binata

“Bahala ka, sinasayang mo ang laway ko” pag-iling na lang ni Eilie sa kakulitan nito

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now