CHAPTER 4

85 8 5
                                    

WARNING R-18

MATURE CONTENTS AHEAD!!

-------------------------------------------------

"Bakit? May nadisgrasya ba?" tanong sakin ni Andeng ngunit nagkibit balikat lamang ako

Siraulo ba naman 'tong si Andeng. Sakin tatanungin e magkakasama kami rito.

"Elya! Si Sol!" tumatakbo at humahangos na sigaw ni Tyrone

Hindi ko alam pero para akong nabingi at the same time ay namanhid. Bumagal ngunit lumakas ang tibok ng puso ko animoy ano mang oras ay sasabog na ito.

Para akong tinakasan ng pulang likido sa katawan at hindi ko magawang mag react agad.

Teka bakit ako? Responsibilidad ko ba siya? May nangyari ba sakanya? Nadisgrasya ba siya? Anong gagawin ko?

"Hoy Eiliethyia! Si Sol daw napaaway!" bahagyang pagtulak sakin ni Andeng dahilan para mabalik ako sa huwisyo.

So hindi siya nadisgrasya?

"H-ha? Teka bakit ba sakin niyo sinasabi?" pag-atras ko ngunit sa loob-loob ko ay nakahinga ako ng maluwag.

Atleast hindi pa siya nabangga, napaaway nga lang.

"Eh ikaw ang nililigawan e, baka sayo magpaawat!" mabilis at malakas naman na sagot ni Precious

Anak ng- ANONG MANLILIGAW?!

Shutamaccananichona! Naririnig ba ng mga ito ang sarili nila?

"Anong nililigawan? Bonak! Hindi ko 'yon manliligaw!" pagtanggi ko saka mabilis na naglakad tungo sa kumpulan ng mga tao

"Hindi raw manliligaw pero pinuntahan pft" natatawa nalang na bulong ni Precious

"Kung ikaw nandoon pupuntahan ka rin non, kaya habang maaga pa itigil mo na 'yan" pagtapik naman ni Andeng sa balikat ni Precious dahil sobrang kilala na nito ang ugali ng kaibigan kahit ilang buwan pa lamang silang magkaibigan.

Kahit tinutukso niya ang kaibigan ay hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Andeng na hindi gaya nina Sol ang tipo ni Eiliethyia sa isang lalake. Ni halos wala pa ito sa kalingkingan ni Eiliethyia kaya paano niya naman ito magugustuhan?

Kung sa mukha at tindig lang din naman ang pag-uusapan ay siguradong marami pa riyang iba na gwapo at the same time ay may pake-alam sa pag-aaral.

Gwapo nga si Sol, pariwara naman. Although hindi rin impossible na magkagusto nga si Eilie kay Sol. If nangyari man 'yon ay tiyak na susuportahan niya ang kaibigan.

"Anong sumingit sa linya e nauna ako riyan?! Nauna ako sayo! May kinuha lang ako!" pilit na pangangatwiran ng maasim na lalakeng dinuduro-duro pa ako

"Edi sana nagtayo ka ng billboard dito na reserved ang lane na 'to para hindi na kami pumila?" sarkastikong sagot ko

Tarantado pala 'to e. He's not making any sense. Nauna pala siya e bakit hindi na siya bumili?

"Aba at gago ka pala e! Hindi mo ba ako kilala?" maangas na tanong nito dahilan para singhalan ko ito at bahagyang tumawa habang pinipigilang masuntok siya sa mukha

"Mukha ba akong interesadong kilalanin ka?" nang-uuyam na banat ko rito

Kita ko ang bakas ng pagka-inis sa mukha nito dahilan para mapangisi ako.

"Dre huwag mo na patulan" patuloy na pag-awat sakin ni Dave habang pilit pa rin akong hinihila palayo

Pero hindi ako nagpatinag dahil ang pinaka ayoko sa lahat ay mga taong kagaya ng b0b0 na 'to. I don't want others to think that I'm a pushover, and that they can just act superior around me when they want.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now