CHAPTER 26

3 0 0
                                        

"Ate, ang weird ni Kuya Kai kagabi" Mataray na tinignan ni Eilie mula sa salamin ang kapatid habang nagsisipilyo. 

"Diba dapat punta ako sa peso vendo? Pinauwi niya ako. Mukha pa siyang galit. Nag-away ba kayo?" takang tanong sakanya nito 

'Nyare dun?' 

"Hindi. Hindi naman kami close para mag-away" tanggi niya pagkatapos magmumog

"Sus. Hindi raw, e pinuntahan mo nga sa bahay niya" pang-aasar naman ng kapatid dahilan para samaan niya ito ng tingin bago bumalik sa silid

Bakit naman papauwiin ng Kairo na 'yon si Lucio? Galit pa 'kuno'? Problema nun?

Sandali niyang winaglit ang naiisip saka mabilis na inayos ang mga gamit. Nagdala rin siya ng extra na damit dahil ilang linggo na siyang pini-peste ng mga tagasamba ni Samantha. 

Buong akala niya sabay nang pag-graduate ng bruhildang yun ay graduate na rin siya sa trip nito pero bakit nga ba hindi niya naisip na may kaya ang demonyitang 'yon at sadyang kampon talaga ng diablo?

"Tara na! Ngiting-ngiti ka naman diyan boy" pitik niya sa noo ni Holter dahil para na itong timang kakangiti sa harapan ng telepono nito

"Inggit ka lang" ganti naman sakanya nito dahilan para magngiwian sila ni Lucio

"Siguraduhin mong mas maganda sakin 'yan a." hirit naman niya pabalik dito kaya si Holter at Lucio naman ang pabirong nag-ubuhan

'Mga basher talaga'

"Papasok ka talaga? Baka mosik-mosik sa slideshow ang abot mo na niyan."

"Over sa good student, makakantahan ka talaga ng ang tanging alay ko"

Nginiwian niya uli ang mga kapatid.

"Sinat lang 'yan, may research defense kami." katwiran niya

Pagkarating sa school ay normal nang naghiwa-hiwalay sila ng landas dahil magkakaiba sila ng building. Dumiretso si Eilie sa classroom nila dahil mag-aayos pa sila ng mga ka-grupo niya. 

Sa araw na iyon na kasi ang nakatakdang research defense nila at magaganap ito sa gym. Bale magiging contest iyon. Grade 11 for qualitative, at Grade 12 for quantitative. Kung anong section man ang mananalo per category ay silang sasabak sa schoolwide research summit. 

"Eilieeee kinakabahan akooo"

"Akooo rin huhu"

"Para akong matatae na ewan"

"Magkakasakit ata ako"

"Ready na ako magisa!"

"Tanggap ko na agad"

Pigil tawa siya sa bungad ng mga kaklase. Kalmado niyang nilapag ang mga gamit saka hinarap ang mga kaklase na halatang mga kabado na.

"Isipin niyo na lang, para lang kayong nagrereport. As long as naintindihan niyo yung study, makakasagot kayo." pag-encourage niya sa mga ito

"Pa-share it saglit kahit konti lang ng talino mo huhu"

"Ikaw na bahala samin Elya a"

"Ikaw ang pag-asa namin"

Napailing na lang siya sa komento ng mga ito. Sa katunayan, maging siya ay kinakabahan. Nakasalalay sa study at defense nila ang magiging grades niya sa subject na 'yon. Isa pa, makakalaban nila ang ibang section/ strands ng Grade 12.

Gusto niyang maging proud sakanila ang adviser nila dahil ito ang isa sa mga lumalaban para sakanilang mag k-kaklase. 

"Kabisado niyo yung mga binigay ko sainyo?" tanong niya sa mga ka-grupo na siyang sabay-sabay naman tumango

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now