CHAPTER 24

6 0 0
                                        

"Ano pre? Patikman na natin 'yan."

May halong inip at pagkasabik ang boses ni Jodel habang nakamasid sila sa isang itim na sasakyan na nakaparada sa di kalayuan mula sa mini mart—ang mismong lugar na pinagtatrabahuan ni Eilie. 

Nakabukas nang bahagya ang bintana ng sasakyan, sapat lang para marinig ang ingay ng kalsada at ang tila normal na galaw ng mga tao sa paligid. Ngunit para sa kanila, walang normal sa eksenang iyon.

"Hintay ka lang," mahinahon pero seryoso ang sagot ni Connor habang inuubos ang ice cream na hawak niya, nakaupo sa backseat ng kotse ni Sollirim. 

"Alam mong kapag nauna tayo, hindi lang gyera ang sisimulan natin na hindi pa handa ang grupo—mapapasama pa tayo lalo kay Eilie."

Tahimik ang loob ng sasakyan matapos iyon. Ang kotse ay kay Sol—isang sedan na mukhang ordinaryo sa labas pero hindi alam ng karamihan na isa lamang iyon sa marami. 

Regalo man ng ama ang ilan, may mga sasakyan at properties din siyang sariling pundar, tahimik na itinago sa mga lugar na hindi alam ng kahit sino—lalo na ng ina niya. May sarili siyang bahay. May sarili siyang mundo. Isang mundong hiwalay sa imahe niyang carefree at palatawa.

"Baba mo nga 'yang paa mo, ang baho," iritang sita ni Jodel sabay hampas sa paang nakapatong sa headrest ng passenger seat.

"Hindi talaga nadadala 'yang si Raze, 'no?" dugtong pa nito, nakasimangot. "Dapat tinuluyan na natin 'yan dati pa."

"Tumakbo ka nga," pang-aasar ni Connor.

"Ulol, ikaw rin naman! Tsaka utos 'yon!" balik ni Jodel, halos pumutok sa inis.

Tahimik si Sol. Nakatanaw lang siya sa direksyon ng itim na sasakyan—ang kinaroroonan ni Raze at ng mga taong animo'y mga aninong sumusunod sa bawat galaw nito.

"Matutuluyan ko talaga 'yang hayop na 'yan kapag ginalaw niya ulit si Eilie," malamig ngunit mabigat ang banta niya.

Hindi biro ang sinabi niya. Alam iyon ng lahat.

"Tingin mo," seryosong tanong ni Connor, "ano na namang binabalak ng Golden Lions? Ilang araw na silang umaaligid sa pinagtatrabahuan ni Eilie. Hindi kaya gagamitin na naman nila laban sa 'tin?"

"Hinding-hindi imposible," sagot ni Sol. "Halang ang bituka ng mga 'yon. Kahit sino, kahit inosente—basta makuha ang gusto nila."

"Naku po," kunwaring dramatikong sabi ni Jodel. "Edi bingo na naman siya."

"Truelaloo, my pren," sabat ni Connor. "Sayang naman kung magka-black eye ang prinsesa. Fierce beauty pa naman yan siya."

"Hayop, tunog bakla ampota."

"Ikaw nga mukhang shibuli."

"Pfft."

Sabay na napalingon ang dalawa kay Kulas.

"Tamo, natawa si Kulas!" sigaw ni Connor. "Edi pati siya, ganon din tingin sa 'yo, boy!"

"Traydor ka, Kulas!" sigaw ni Jodel, tinuturo ang kaibigan na nakapikit na muli, wala nang bakas ng ngiti sa labi.

"Tara, bili ulit tayo," biglang sigla ni Jodel. "Wala na 'kong coke."

"May pera ka?" tanong ni Connor.

"Wala. Pero may Steel tayo." Tulak niya kay Sol sa balikat.

Napataas agad ng dalawang kamay si Jodel nang salubungin siya ng mga matang nanlilisik ni Sol.

"Eto naman! Alam kong gusto mo rin siyang makita ulit!" mabilis na bawi ni Jodel. "Papaldo tayo pareho, pre!"

Nagpakita ng dila si Connor, sinuklian naman siya ni Jodel ng pakyu.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now