CHAPTER 12

28 1 1
                                    

“Pero infairness ha, close kayo ng mommy niya, bihira ‘yan” komento naman ni Precious na mahihimigan ng panunukso kaya inismidan niya ito

She's pertaining to Kris. A boy who has shithole to his head.

Awtomatikong lumipat ang tingin ni Eilie sa babaeng nasa tabi ni Precious na kanina pa siya hindi kinikibo.

Hay nako Andrea ‘Andeng’ Fernandez, ikaw at iyang pag-aalala mo sakin.

She thought. Pero at least alam nitong nag-aalala sakanya ang kaibigan.

Nalipat lamang muli ang paningin ni Eilie sa katabing si Shane nang bahagya siyang sikuhin nito.

Nilingon niya ito upang makita itong may pasimpleng inginunguso.

Sinundan niya ito ng tingin at muntik na itong mapamura nang makita kung sino ang itinuturo nito.

It was Kulas and Samantha.

Wait. Are they dating?

Kulas is holding that Sam’s waist and even guided her to her seat like a princess.

What is this?

All of them thought while watching the two.

Pinaghila ba ni Kulas si Sam ng upuan?

She asked herself by what she had just witnessed.

She didn't know they're that close. She didn't even thought they're close.

Kulas doesn't talk that much and she can't remember herself having long conversation with him, and she like that side of him. She doesn't like talking that much either.

Kung tutuusin ito lang ata ang matino sa kanilang magkakaibigan. And he's the most responsible one.

Kung hindi siya nagkakamali, ito ang pinaka matanda sa kanilang apat which probably explains why.

“Hindi mo alam? Diba close naman kayo?”

Precious pertains to her. Mabilis siyang umiling saka ibinalik ang tingin sa table ng dalawa.

“Well we're friends but... not that close” kibit balikat niya

Totoo naman. Ang tatlo lang naman mostly ang kumakausap sakanya and she swear, iyong tatlo pa lang na ‘yon ay drain na drain na siya kaya thankful siyang hindi na masyadong dumadagdag si Kulas.

Buti nga at hindi ito nabuburyo sa bangayan nilang apat sa tuwing magkakasama sila. He would just sit and listen to their bickerings but he would always tag along like most of them.

“Ano palang plano niyo sa bakasyon? Malapit na rin tayo matapos ng highschool” nagpalumbaba si Precious upang magbukas muli ng usapan

“Plano namin ni Tyrone mag L.U since hindi pa ako nakakapunta ron”

“Eh ikaw Andeng?” pag-akbay nito kay Andeng kaya natuon ang atensyon ng lahat sakanya

“Baka papuntahin ako ni Lola sa Canada since within that month ay birthday niya”

“Pasalubong a, huwag kang mamalagi ron susunduin ka namin”

Natawa silang lahat sa hirit ni Precious na ‘yon kay Andeng.

“Sira, ayoko rin naman mag stay ron. Homesick ako for sure”

Marami pa silang pinag-usapan hanggang sa matapos silang kumain at napagpasyahan nilang bumalik na sa classroom nila.

“Guys una na kayo, punta muna akong faculty. May itatanong lang ako kay Miss Flores” pagpapaalam ni Precious

“Samahan na kita” mabilis namang boluntaryo ni Andeng bagay na gets na nila

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now