"Psst ilang buwan mo nang hindi pinapansin 'yang apat a." Sabay-sabay silang napalingon sa ginawi ng tingin ni Shane.
"Oo nga, closing na natin next month a. Wala ka pa ba balak kausapin sila?" segunda naman ni Precious dahilan para magkibit balikat lamang si Eilie
"Grabe kang babae ka. Dinaig mo pa ang girlfriend kung magpasuyo" pagsundot ni Andeng sa tagiliran ni Eilie saka sila nagtawanang tatlo dahilan para mapairap lamang ang napag-isahan na namang si Eilie
"Hindi ako nagpapasuyo. Choice nila 'yan" depensa naman ni Eilie sa sarili
"Nako girl, kapag hindi mo pa pinansin ang mga 'yan paniguradong mapupuno na bahay niyo ng nestea at magtatae na kapatid mo kakakain ng pastillas- ops speaking of" bigla'y react ni Shane animo'y nagpaparinig habang nakatingin sa likuran niya.
Hindi na siya nag-ambang lumingon dahil alam na niya ang mga tinutukoy nito.
"Hi Eilie! Nestea at pastillas ulit para sayo hehe" masiglang bati ni Jodel sabay lapag ng isang plastic bag na naglalaman na naman ng mga nestea at pastillas.
Hindi niya malaman kung bakit araw-araw ang mga itong nagbibigay non. Favorite niya ang mga ito pero saan ba naman niya ilalagay ang dami ng pinagbibigay ng mga ito? Tsaka no offense sa tatlo a pero paniguradong galing na naman ang mga ito sa pera ni Sollirim.
Imbis na sagutin ay muling ginawa ni Eilie ang lagi niyang inaasta kapag lalapit ang mga ito. Ang magsalpak ng earphones. Hindi naman na bago sa apat ang naging tugon ng dalaga kaya imbis na madismaya ay walang hiya pa ang mga itong naki upo sa table ng magkakaibigan bagay na wala naman nang pakealam si Andeng, Shane at Precious dahil kaibigan na rin naman ang turing ng tatlo sa mga ito.
Nagkibit balikat na lang din ang mga dalaga sa inastang muli ng kaibigan at sila na lamang ang nakipag usap sa apat. More on like si Connor at Jodel. Meanwhile, deep inside, Eilie couldn't find her focus to the book she was reading. Maliban sa music na tumutugtog mula sa earphones niya ay pakiramdam niya merong nakatingin sa kanya at masyadong mabigat 'yon kaya hindi niya makuhang mag-angat ng tingin.
Sinusubukan niya intindihin word per word at inuulit-ulit pa itong basahin pero wala talaga siyang maintindihan. Hanggang sa tuluyan na siyang mapagod subukan kaya sumusuko niyang itiniklop ang libro at asar na tinanggal ang earphones.
"Una na ako sa room mag r-review pa ako" paalam nito sa tatlong kaibigan
"Ano ka ba? Marami ka pang time, mamayang hapon pa naman ang sub ni Sir Matheiou" sinubukang pagpipigil sakanya ni Shane ngunit ayaw niya talagang kasama ang apat
"Nanonood daw sila Avnir ng movie gusto ko makinood" pagdadahilan niya pa nang maalala ang chinat sakanya ng kaibigan kanina
"Hala sabi ko antayin nila ako e" pagsimangot naman ni Precious saka agad din na tumayoAgad din namang kumilos ang dalawa para sumunod na kay Eilie dahil kapag movie marathon talaga ang usapan sa classroom nila ay nagkakasundo lahat.
"Una na kami boys a, important matter kasi hindi pwedeng absent kami sa movie marathon" mabilis na paalam ng mga ito sa apat na wala nang nagawa kundi tumango at dismayadong nakatingin lamang sa papalayo nang bulto ni Eilie
"Ops! Kami na lang magbibigay sakanya... ulit" pagbabalik ni Andeng upang kunin ang iniwan ni Eilie na peace offering ng mga itong nestea at pastillas
"At... pwede bang ibahin niyo naman ang ibigay niyo? Nagkaka diarrhea na kami sa pastillas niyo e. Sige ha" huling hirit pa ni Andeng bago siya tuluyang hilain ni Precious at Shane Nagulo na lamang ni Jodel ang buhok nang tuluyang makalayo ang magkakaibigan dahil sa dismaya.
"Naknampucha mga dre ang hirap suyuin" saad nitoNapabuntong hininga na lang si Connor saka nauna na ring tumayo. Tinapik pa nito ang balikat ng tatlong bakas sa mga mukha ang pagkadismaya bago naunang naglakad patungo sa tambayan nilang bakanteng classroom.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RandomEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...