Tatlong araw na lang.
Tatlong araw na lang at magtatapos na ang lahat ng high school na parang sinadya ng mundo na gawing magulo ang huling yugto.
Nakaupo si Eilie sa harap ng salamin habang kinukulot ni Precious ang buhok niya at si Andrea ay abala sa paglalagay ng mga kolorete sa mukha niya. Habang si Shane naman ay nakaupo sa kama, nagsusukat ng sapatos na isusuot mamaya sa graduation ball.
Halos lahat ng naroon ay mga gamit ng tatlo. Sobrang nagpapasalamat talaga siya sa mga ito dahil may mga gagamitin siya sa ball ng libre. Hindi na rin kasi sana siya a-attend pero sabi ng tatlo ay magiging performance task nila ang attendance at participation nila sa ball lalo na sa subject nilang Community Engagement.
"Girl, swear, pagdating ng college, magbabago lahat," masiglang sabi ni Shane. "Bagong crush, bagong drama—"
"Bagong heartbreak," dagdag ni Andrea, sabay tawa.
"Hoy, huwag niyo ngang i-curse si Eilie," singit ni Precious. "Baka nga dito pa lang sa ball may umamin na sa kaniya."
Napangiti si Eilie, pero ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mata niya.
Wala sa usapan nila ang isip niya. Nasa isyu ng buhay nila.
Ang kabit ng tatay niya ay nakatira na sa loob ng bahay nila.
Tuwing lalabas siya, ramdam niya ang mga matang sumusukat, humuhusga, nagbubulong.
'Ayan, anak ng lalaking may kabit.'
'Kawawa naman ang mga bata.'
Nakakapanliit. Nakakasuka.
"Okay ka lang?" tanong ni Andrea, napansing natulala siya.
"Yeah," sagot ni Eilie, pilit na ngumiti. "Just... thinking about college."
Hindi niya masabing iniisip niya kung kailan matatapos ang kahihiyan.
Isang buwan na ang nakalilipas magmula nang nagising siya sa bahay nila Kulas.
**********flashback**********
Mabagal na dumilat ang mata ni Eilie.
Hindi pamilyar ang kisame.
Amoy malinis. Amoy bago.
Umupo siya agad, pero agad ding nahilo.
"Easy."
Boses ni Kulas. Malamig. Diretso.
Nakatayo siya sa pintuan, may dalang tray ng tubig at gamot.
"Inumin mo 'yan," utos nito.
"Nasaan ako?" paos niyang tanong.
"Sa bahay namin."
Natigilan siya.
"Bakit—"
"Sinabi ko na sa bahay niyo. Tumawag tatay mo," sagot niya. "Pero ayaw mong umuwi. Sabi ko tulog ka at ihahatid na lang kita ng umaga."
May kumatok.
"Nico?" isang boses na pamilyar pero matagal nang hindi narinig.
Pumasok ang isang babae—elegante, may bahagyang bakas ng pag-aalala sa mukha.
At doon nagdilat ang mata ni Eilie.
"Tita... Dessa?"
Nagulat ang babae.
"Ikaw?"
At doon bumalik sa alaala ni Eilie ang isang hapon sa palengke—
***********another flashback***********
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
AcakEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...
