Days passed by with Eilie avoiding the four. Messages, calls, and even personally.
She also don't know kung anong exact purpose ng pag-iwas niya sa mga ito basta ang alam niya ay hindi siya fit sa mundo ng mga ito.
"Nag-away ba kayo?"
Natigilan saglit si Eilie mula sa iniinom na tubig saka sinundan ang tingin ni Andeng. Kaswal niyang ibinalik ang tingin sa mga kaibigan animoy hindi naapektuhan sa paraan ng pagtitig sakanya ng mga ito kahit halos gusto na niyang bumigay.
"Hindi" maikling sagot niya para magtinginan ang mga ito sa isa't isa pawang mga hindi kumbinsido sa naging sagot niya
However they didn't push her to open up any more and just decided to change the topic. Making one another uncomfortable is not on their vocabulary.
"Anyway narinig niyo na ba ang latest?"
Napakunot noo silang lahat sa sinabi ni Shane.
"Oy bet ko 'yan. Dali spill the cheesemace" natutuwang pangalumbaba ni Precious sa ibabaw ng mesa habang naghihintay sa mga sasabihin pa ni Shane
Napailing na lang si Eilie at Andeng sa mga ito. Kung tutuusin perfect combo itong si Shane at Precious. Isang magaling sumagap ng chismis, at isang mahilig makinig ng chismis.
"Iba na raw principal natin next school year!" napalakas na sabi ni Shane dahilan para pasimpleng yumuko si Eilie upang itago ang mukha mula sa iba pang studyante na napalingon sa gawi nila
"Ano ba 'yan nakakahiya ka talaga kasama" inis naman na komento ni Andeng rito dahilan para tawanan lang siya ni Shane at Precious
"Pero totoo ba? Sino raw papalit?" usisa pa ni Andeng na na-intriga rin sa balita na sinabi ni Shane
"Hindi rin namin alam e. Sinabi lang sakin ni Ron, sinabi raw nong adviser ng kapatid niya sa HUMSS 12" mabilis namang sagot ni Shane na tinutukoy ang kapatid ng nobyo nitong si Tyrone
Mapapalitan na si Principal? That would obviously do the school a favor. I mean he's known for being biased, very strict, and has favoritism. No offense sakanya ha.
"Aww nakaka sad naman hindi ko magawang maging sad" pag-arte ni Precious dahilan para matawa si Shane at Andrea sa sinabi nito
"Hoy totoo feeling ko majority sa mga studyante matutuwa sa pag-alis niya" bulong din naman bilang segunda ni Shane
"Pati ako matutuwa. Jusko ang pagtitimpi ko sa pag tolerate niya sa pamangkin niyang demonyita" gigil din naman na dagdag ni Andeng at tinutukoy si Samantha
"Nasa dugo na siguro talaga ng mga 'yon ang pagiging kampon ni Lucifer" dagdag pa muli ni Shane dahilan para magtawanan sila ulit
Si Eilie naman ay tahimik lang na nakikinig sakanila habang patuloy sa pagbabasa ng binabasa nitong libro na bigay ng Ninang Zaida niya.
It was one of the most popular books na nasa bucket list niya, ang Pride and Prejudice. She's been dreaming of reading it since she was in grade 8 kaya hindi masukat-sukat ang galak niya nang makita niyang ito ang librong bigay sakanya ng ninang Zaida niya.
Plus Ethan lend him books that was written by the same Author Jane Austen.
Ganunpaman, lahat sila natigilan nang may pamilyar na boses na tumawag kay Eilie.
"Ahm Els CR lang kami a. Balikan ka namin agad. Oy pasama ako" mabilis na pagpapaalam ni Shane saka hinila ang dalawa pang sina Andrea at Precious na halata namang mga gusto pang kumain pero parehas walang nagawa sa ginawang paghila sakanila ni Shane
Hindi gumalaw si Eilie at nanatiling nakatingin sa librong binabasa niya, however, wala ni isang salita ang gustong pumasok sa isip niya.
Mariin siyang napapikit sa inis saka napagpasyahan na lamang tumayo at iligpit ang mga gamit nang makaalis na.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RandomEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...