Summer vacation pass through like a snap. Enrollment na naman for Grade 12. Napahinga na lang nang malalim si Eilie dahil heto na nga ang kalbaryong kinatatakot niya. Ang Research.
"Ate penge bente" napataas ang kilay niya sa kapatid na si Holter
"Para saan aber? Bibigyan ka naman ng pera ni Papa a. Buraot na 'to" bira niya rito dahilan para mapakamot sa batok ang kapatid at napatawa na lang dahil hindi siya maisahan
"Oh" abot niya ng singkwenta pesos dahilan para mas lumawak ang ngiti nito
"Yun oh! Pang-gas ko lang susunduin din naman kita mamaya" pambawi pa nito bago naunang lumabas
"Tch" ngiwi na lang niya
Saka naman nagawi ang tingin niya sa nakatingin na bunsong kapatid habang nagsasapatos. Kahit hindi ito magsalita ay bakas sa mukha nito na gusto rin nitong humingi.
Napabuntong hininga na lang siya saka dumukot muli sa pitaka ng singkwenta pesos.
"Oh" abot niya rin dito dahilan para mabilis pa sa alas kwatrong tumayo at hinablot ang pera
"Edi thanks!" sigaw nito habang tumatakbo palabas
'Mga buraot'
Saad na lang ng dalaga sa isip. Hindi rin naman niya ang mga ito matitiis. Mabuti na lamang kamo at may kumuha sakanyang kapitbahay para magbantay ng mini-grocery store noong bakasyon kung kaya't kahit papaano ay may extra allowance siya ngayong pasukan. Alam ng mga kapatid niyang may pera siya kaya pinapasbol siya ng mga ito.
Ayos lang din naman sakanya dahil masaya siyang kahit papaano ay may naibibigay naman siya sa mga ito dahil kung tutuusin hindi naman araw-araw ay nakakapanghingi ang mga ito, madalas ay saktuhan lang ang kinikita ng ama nila sa negosyo nito, sakto lang sa pagkain at bayarin sa bahay, minsan nga problema pa nila ang mga bayarin sa school.
Mahirap talaga maging mahirap, minsan nga naiisip na niyang tumigil at magtrabaho na lang para tulungan ang ama. Masakit din para sakanya na kahit simpleng luho lang ng mga kapatid niya ay hindi rin nila kayang ibigay. Sobrang nasasaktan siya para sa mga kapatid dahil siya alam niya sa sarili niyang matagal na niyang natanggap ang estado ng buhay nila, kaya nga nag-aaral siya ng mabuti.
"Eto allowance niyo ng isang linggo." inabot niya ang pera na binibigay ng papa niya
"San ka po ngayon?" kaswal na tanong niya habang nilalagay sa pitaka ang pera
"Pampanga ulit, may bulk order na naman e sayang naman. Tas deliver ko pa sa Laoag 'tong sidecar. Paldo pag-uwi ko, kakain tayo sa labas"
"Yun oh!""Jollibee!"
Sabay na komento ng mga kapatid niya.
"Oh Elya ikaw na bahala sa dalawang 'yan a. Hoy makinig kayo sa ate niyo. Kapag may pumorma, sabihin niyo lagot sakin" nginiwian niya ito saka tumabi para makaalis na ang sasakyan nito at hindi siya mahagip
"Ingat po kayo"
Sabay-sabay silang pumasok sa gate ng mga kapatid dahil siya rin naman ang mag e-enroll sa mga ito. Uunahin na lang niya sila dahil magkahiwalay ang enrollment facilitators ng Senior High at Junior High. Sa taas na ground pa ang building nilang Senior High.
"Good morning po, Ma'am Jo. Dalawang form po." bati niya sa ginang na nakasama niya sa journalism dahil ito rin ang naging coach niya sa column writing
"Ate Eilie ikaw pala. Ready ka na ba? Broadcasting ka ngayon a." bati rin nito sakanyaNginitian niya lang ito saka tumabi para sagutan ang mga form. Pagkatapos ay inabot niya ito ulit sa ginang.
"Naku anak wala bang nag brigada sainyo? May multa kayong 1000 dito bale 500 na lang dahil magkapatid naman sila."
"E ma'am hindi po ba pwedeng kasama na sa brigada ko? Pumunta po kasi ako noong brigada namin. Kapatid ko naman po sila" pakiusap niya rito
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
AléatoireEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...
