CHAPTER 3

111 8 2
                                    

Nicolas's Point of View

Narinig naming lahat ang pagtawag ni Tita Rowena kay Sol mula sa labas.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang bakas ng inis sa mukha nito dahil maraan pa itong napapikit.

Mukhang nakaramdam din naman ang dalawa kung kaya't medyo nakahinga ako ng maluwag nang mag boluntaryo si Jodel upang tulungan si Tita Wens. Mas nakahinga rin ako ng maluwag nang hindi ako ang hilain nito upang samahan siya.

Mabuti naman at alam niya kung sino ang hinihila niya dahil kung ako baka pinalayas ko na siya rito kahit hindi naman namin 'to bahay.

Hindi naman gan'yan dati ang trato ni Sol sa nanay niya. Ika nga sa mga telenobela, there's always two sides of a story.

To be honest, if I were on his shoes I'll probably act the same way. Pero minsan hindi ko maiwasang maawa kay Tita Wens kasi alam ko at alam naming tatlo kung gaano niya sinusubukan bumawi kay Sol. Sadyang matigas kasi 'tong si Sol.

Kita ko ang lalim nang iniisip nito kaya napagpasyahan kong tabihan ito sa pagkakahiga.

Kanina pa kasi ito wala sa mood simula noong manggaling ito kila Eiliethyia.

"Naiinis ka ba sa pagkatalo mo sa larong ML o sa pagkatalo mo ngayon sa larong minanipula mo between you and Eiliethyia?" pagbubukas ko ng usapan

"Sa ML obviously. Kung hindi ba naman mga bobo ang kakampi" sagot nito na parang isang batang nagsusumbong dahilan para matawa ako

Una, natatawa ako dahil para kaming mag-kuya bagay na medyo may katotohanan dahil mas matanda nga naman ako sakanya ng dalawang taon.

Pangalawa, alam ko namang hindi 'yon ang tunay na rason dahil masyadong halata kung saan talaga siya naiinis.

"Huwag mo na lokohin ang sarili mo Sol. Alam mo sa sarili mong hindi yan ang totoong rason. Sarili mo nga hindi mo makumbinsi, ako pa kaya?" prangka ko rito bagay na nagpatahimik sakanya

"Well it's not like we didn't warn you from the beginning, therefore you should atleast know that in terms of games, no matter how you're good at it there's still an enormous possibility that you'll lose." hirit ko pa

Hindi naman sa dina-down ko siya. Gusto ko lang maging aware siya sa mga posibilidad na mangyari dala ng mga actions niya.

Nang hindi muli ito nagsalita ay naging imbitasyon ito para magsalita akong muli.

"Nonetheless if you are still so persistent to continue your game wala na kaming magagawa. You already know your game requires so much patience and persistence right? You've told us that before." dagdag ko pa

Muli, ay wala ulit itong sinabi.

Certainly, I feel bad for Eiliethyia kasi she really doesn't deserve this. She's living her life not until we came across her.

Dati rati naman kasi kung sino lang ang nagpapakita ng interes kay Sol at kung sino lang ang pumapasok sa panlasa niya ayon lang ang ine-entertain niya. Eiliethyia is obviously not his cup of tea.

He likes fancy girls with outgoing personality, girls who share the same vibes as him, and girls who can waste their time for him. Yes, GIRLS, with S.

Eiliethyia is undeniably gorgeous but it just looks like she's the total opposite of those. At isa pa, Eiliethyia looks like someone who would never pay attention to guys like us. Academic achiever 'yon tas student council pa, e kami mga studyante lang on the verge of dropped out pa.

"Kaya anong inaamok mo ngayon? You love playing online games! Parang online games lang 'yan bro! The game doesn't last, hindi 'yan pang isang round lang. You may had lost at first but you must keep on playing until you hear it... Victory! Dalawa lang 'yan e, it's either you give up already and you both live peacefully just like before or you continue to either get her or loose yourself" mahabang litanya ko bago napagpasyahang umupo

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now