CHAPTER 7

34 2 0
                                    

WARNING🔞 :

this chapter contains mature words and scenarios that may not be suitable for 18 below.

--------------------------

"Hello?!" napapikit nalang ako sa inis dahil sobrang lakas nang patugtog ng kumag na 'to at halos mabingi na ako rito sa kusina

Halos hindi ko na nga marinig kung anong sinasabi ni Precious sa kabilang linya e.

"Wait lang ha" paalam ko sa kabilang linya saka ito pinatay at malalaki ang mga hakbang na tinahak ang daan patungo sa sala kung saan siya nagpapatugtog

Para siyang adik na sumasayaw-sayaw doon habang bitbi-bitbit ang malaking speaker sa balikat niya.

Sakto at naroroon sa mini table ang remote nito kaya agad ko itong dinampot at pinindot ang off.

Napatigil naman ito at nagtatanong ang mga matang tumingin sakin. Ang sarap lang tusukin ng tinidor.

"Kung gusto mong mabingi huwag kang mandamay!" hindi mapigilang sigaw ko saka padabog na bumalik sa kusina

"Sungit!" sigaw pa pabalik nito dahilan para mas dumoble lang ang inis ko

"Adik!" hindi na napigilang sigaw ko pabalik dahilan para hindi siya makapaniwalang matawa

"Wow! Ako adik?! At paano naman ako naging adik? Nakita mo ba akong gumagamit?" pagsunod nito sakin sa kusina

Hindi ko naman talaga sinasadyang masambit 'yon. Astang siraulo kasi kaya ko marahil iyon nasabi.

"Oh ano? Hindi mo masagot! Kasi wala kang basehan! Problema sayo bato ka nang bato hindi mo alam sinasabi mo!"

Padabog kong inilapag ang hawak kong kutsilyo at hinarap ito. I was cutting vegetables on the sink at nasa likuran ko siya.

"Will you just please leave me alone and mind your own fvcking business without disturbing other people around you? Kung magagawa mo 'yon maybe...just maybe...matatahimik tayo pareho" may halong paki-usap na saad ko bago ito muling tinalikuran

Narinig ko pa itong suminghal bago napagpasyahang lubayan ako. Bumalik ito sa sala at nakita ko itong binuksan ang TV.

Good God Gracious.

Bahagya kong nasapo ang dibdib ko dala ng magkahalo-halong emosyon. Kung bakit ba kasi napaka bango ng hininga nito!

Ilang sandali pa ay tumawag muli si Precious. Hindi ko naman ito binigo at mabilis itong sinagot.

"Anyare?" mabilis na bungad nito pagkasagot ko ng tawag

"Wala may aso lang na nauulol" pagdadahilan ko

"G ka ba ngayon? Lalabas kami" mabilis na pag-iiba nito ng usapan at inaaya ako kung saan.

Kalalabas lang namin kahapon a.

"Hindi" mabilis na tanggi ko

"Grabe, ang bilis sumagot"

Hindi ko man siya nakikita ko ay ramdam ko sa tono nito ang bahagyang paghaba ng mga nguso niya sa pagka dismaya.

"May ginagawa ako, hindi ako makakasama" pag-uulit ko pa

"Ano pa nga ba? Oo nga pala... nakita mo na ba?" muli ay pag-iiba nito ng usapan

"Ang alin?" nagtataka ko namang tanong pabalik

"Sa page ng school natin! I guess hindi mo pa alam so I suggest you to take a look of it already" suhestyon nito dahilan para macurious ako at dali-daling binuksan ang page ng school namin dropping her call

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now