CHAPTER 20

13 0 0
                                        

It's been 2 weeks since the incident. Naging abala na si Eilie sa pag eensayo para sa pageant niya next month.

"Ok break muna" 

Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ito mula sa teacher/coach/manager kuno niya. Minasahe niya ang mga paa habang nakaupo sa isang monoblock chair. Gumagaling na ang mga sugat niya sa braso, thanks to Kulas and the ointment he bought for her.

***flashback***

Napansin ni Kulas ang maya't mayang pagkakamot at paghawak ni Eilie sa mga braso niya kaya nang matapos siyang maghugas ay agad niyang kinuha ang plastic na binigay niya rito kanina at inilabas ang isang ointment mula rito. Iba't ibang klase kasi ng ointment ang binili niya. Meron for itchiness, scars, at iba pa.

"Come here" tawag ni Kulas sakanya habang kaswal na hinila ang pala pulsuhan niya at saka siya pinaupo sa isa sa mga matataas na silya

Ni hindi na niya nagawang tumanggi nang kunin nito ang braso niya at nagsimulang magpahid ng ointment sa mga sugat niya.

She almost run out of breath when he was doing that. Hindi siya sanay na ganon sila kalapit ng binata at nagkakadikit ang mga balat nila. It was very uncomfortable na para siyang pinapaso bawat dampi ng balat nito sa balat niya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang simulan nitong ihipan ang mga nilalagyan nito ng ointment. Nag-iinit ang mga pisngi niya at ayaw niyang ipakita ito rito. Hindi naman kasi mahapdi kung bakit kailangan pa niyang gawin 'yon.

***end of flashback***

Mabilis niyang ipinilig ang ulo nang maalala na naman ito at ang naramdaman ukol doon.

Hindi lang siya sanay.

Napangiwi siya nang muling maramdaman ang kirot sa mga paa niya dala nang pagsusuot ng malaking takong.

Mas malaki pa ang takong ng heels na 'to kesa sa pasensya ko.

Gumagaling na ang sugat niya sa braso, ngayon naman sa paa niya.

"Anak huwag mo na tanggalin para masanay ka. It's part of the training. Mas maganda na i-practice mo maglakad-lakad using that"

Lihim siyang nanlumo nang suwayin siya ng guro mula sa pagtanggal ng heels niya.

"Go irampa mo na 'yan sa canteen" biro sa kanya nito dahilan para bahagya siyang matawa

Sakto rin naman na dumating ang mga kaibigan niya na kasama niyang mag m-meryenda.

"Ok ka pa?" tumatawang tanong sa kanya ni Precious

"Hindi na ata ako aabot sa contest" pagsakay naman niya sa mga ito dahilan para magtawanan naman sila

"Sus kaya mo 'yan ikaw pa" pag hype naman sa kanya ni Shane

"True! Mahilig ka lang talaga mag reklamo kahit kaya mo naman" gatong naman ni Andeng bagay na sinang-ayunan ni Precious at Shane

"Tara na gutom na ako" aya niya sa mga ito at nauna na maglakad

"Slayable ka riyan madam! Mukha ka talagang beauty queen" compliment ni Precious 

"At in fairness ha nag improve ang lakad mo accla" pang-aasar ni Andeng dahilan para magtawanan silang tatlo

Napasimangot naman si Eilie dahil matagal na talaga inaasar ng mga ito ang siga-siga raw niyang lakad.

"Dati parang mag-aamok lang ng away e, ngayon lakad haliparot na" dagdag pa ni Andeng

Maging si Eilie ay natawa na sa mga hirit ni Andeng. Wala talagang filter at preno ang bibig nito. Sasabihin at sasabihin nito lahat ng gusto nitong sabihin.

ALONG THE WAYWhere stories live. Discover now