02

28 2 0
                                    

Jack Allen's POV





"Dadalaw ka kay Andrea, Jackie?" napalingon ako kay Sandrina nung tawagin niya ako. Nasa opisina ko siya ngayon, dahil kinausap niya ako patungkol doon sa mga aasikasuhin namin next week. May event kasi kaming dadaluhan, at puro Brand Ambassadors ang nandoon. So nagplano din kami na kumuha doon ng models para sa mga new release ng Bello Industry. Since puro make-up products ang nandito sa kompanya.

"Ah, oo.. Haharapin ko na siya ngayon.." ngiti kong tugon kaya napangiti din siya. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ang mgangiti na iyon at mapatango dahil sa ganda non.

Masasabi kong sobrang ganda nga ni Sandrina at aakalain mo na siya ay isang diwata lalo na kapag natatapatan siya ng sinag ng araw dahil mas tumitingkad ang puti at kinis ng balat niya. Nakakamangha lang dahil sa lahat ng babae na nakilala ko, siya yata ang hindi mawala sa isip ko dahil sa sobrang memorable ng anyo niya. Hindi na kataka-taka na na-inlove sa kaniya ang bestfriend niya..

'HIHIHIHIHI! SI SELOS!'

Naalala ko pa nung nakaraang nasa Batangas kami na sa twing magkadikit at magkasama kami ni Sandrina ay palagi akong binibigyan ng matilim na paningin ni Clarence. Akala ko nung una ay dahil nga protective type lang siya na kaibigan pero nung nagtagal ay nabasa ko na parang nag-iiba. Dahil hindi na yata protectiveness ang nasa mata niya, selos na.

"Sabihin mo ding kinakamusta ko siya, ha?"

Isa din sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko bilang kaibigan si Sandrina ay hindi lamang kalabasan niya ang maganda sa kaniya. Ultimong kalooban niya. Kahit may nagawa nang hindi maganda sakaniya si Andrea na kaibigan ko ay nananatili padin siyang gan'yan. Napakabait.

"Sige.. Sasabihin ko. Si Clarence pala, pinapasabi na after ng work mo, punta ka daw sa bahay niya kasi doon kayo mag-didinner mamaya."

"What.. ?? Oh, God.. Bakit sa'yo pa niya pinasabi, samantalang may cellphone naman para i-text na lang ako!"

"Nasira daw yung cellphone niya kaya bibili din siya ng panibago.."

"Oh... okay! Uhm, Jack.."

"Yes.. ??"

"About pala doon sa mga pinasa sa ating employees ng ibang kompanya.. Naasikaso mo na ba?"

"Ah, hindi pa kasi inaasikaso ko pa yung schedule ko saka schedule mo.. Kasi 'di ba, next week na yun? So, naisip ko na after kong ayusin yung schedule natin, mag-proceed ako sa readings ng mga resume ng mga employees na iyon.."

"Okay.. Pero, I will inform you na may inihiwalay ako doon."

"Ha?? Paanong inihiwalay?" taka kong tanong kaya napaupo na siya sa tapat ko. Tinuwid ko ang pag-upo saka tinabi ang mga gamit kong maayos naman na.

"May hiniwalay ako doon na employee na ipinasa sa atin ng mga kompanya.. She's from Brick Industry. Isa siya sa mga ipinasa sa atin ng kompanya para ma-transfer dito sa Bello."

"Yeah, and.. ??"

"..and I can say na medyo nag-aalinlangan pa ako na ipa-check siya sa'yo, at maipasok siya dito."

"Huh?? Bakit?" pag-usad ko ng katawan papaharap sa lamesa para mas magkausap kami ng maayos. Seryoso na kasi ang ekspresyon niya sa mukha at alam kong ang mga ganoong topics ay sobrsng seryoso na din.

"She has BPD or Borderline Personality Disorder."

Napatigil naman kaagad ako at tumitig sakaniya. Nakatitig din siya sa akin at nakikita ko sa mga mata niya ang labis napag-aalala..

"Hindi ako natatakot sakaniya kasi may sakit siya.. Natatakot ako PARA sakaniya. Kasi, baka manibago siya sa environment ng kompanyang ito.. We all know that Brick Industry is the most toxic company here in our country.. May mga dark secrets silang alam ng lahat, at posibleng nakaranas ang employee na iyon sakanila."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon