16

20 1 0
                                    

Jack's POV






Kanina pa tahimik si Zenaida simula nung kumakain kami. Mukhang naubos na ang lakas niya dahil sa kakulitan nila Kourtney. Napakadaldal kasi ni Kourtney, panay ang pangungulit kay Zenaida. Oo, naiintindihan ko namang magkaibigan sila pero grabe ang energy ni Kourtney. Akala mo naman ay nakalaklak siya ng enervon! "You okay?" hindi ko na maiwasang tanong kay Zenaida na napatingala sa akin bago tumango.

"Mm.."

"You sure? Parang nalolowbat ka na. Did you bring your meds?"

"Opo."

"Go on, drink it."

"Nainom ko na po."

"O-oh, really?? That's good.." tango ko at tinitigan lang siya dahil nakatungo siya. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa hita niya habang hinahaplos non ang bawat isa. Napasulyap ako sa mga aircon saka pabuntong-hininga na hinubad ang blazer. "Uhmm.. Baka nilalamig ka na."

Muli siyang tumingala sa akin bago pabuntong-hininga na ngumiti.. "Salamat po."

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong ko at hindi maiwasang iangat ang kamay upang ayusin ang bangs niya.. Iilang hibla kasi non ay tumatama sa mata niya.. "Kanina ka pa tahimik."

"Normal lang naman po sa akin iyon.. Saka, may iniisip din po kasi ako."

"At ano naman iyon?"

"Boyfriend."

Nakunot ko kaagad ang noo at pinagmasdan siyang yumuko ulit at pabuntong-hiningang hinaplos ang likod ng palad. "B-boyfriend?"

"O-opo.. Ngayon ko lang din ulit natanong ang sarili ko sa gan'yang bagay.. Once na akong tinanong ng gan'yan pero.. wala akong masagot."

Napatitig naman ako sakaniya at napabuntong-hininga din. "Well, you don't need to answer it naman if you're not comfortable with it."

"K-kaya nga po.. Pero minsan, naiisip ko din.. Ano po kayang feeling ng may boyfriend?" tanong niya at bumaling sa nasa gilid namin kung saan may magkasintahang nag-uusap doon. Nagtatawanan din sila at nag-apir-an pa. "Since, high school po ako, palaging tinatanong sa akin ng mga tao kung may boyfriend o naging boyfriend na ba ako.. At ni isa sa mga nagtanong, wala akong nabigay na sagot kung hindi 'wala'. Kaya minsan naiisip ko, siguro hindi talaga ako tipo ng mga lalaki kaya hindi nila ako ginagawang nobya."

Napaangat ang mga kilay ko at hindi makapaniwala na napasapo sa bibig habang nakatitig parin sakaniya. Halos lunurin na siya nila Clarence kanina ng compliment patungkol sa ganda niya pero ganito ang nasasabi niya? Hindi ba talaga siya aware na gano'n siya kaganda?

Honestly, kung ilalagay ko si Zenaida sa daan-daan at milyon-milyong babae.. Siya ang mangingibabaw dahil para sa akin, ang tinataglay niyang kagandahan ay naiiba sa iba. Idagdag din na siya mismo yung kakaiba.

Her, being unique is the reason why she stands out a lot. And I want her to realize that in my eyes, she's the prettiest one--

'--tang ina.. Ano 'tong sinasabi ko? JACK ALLEN?!'

"Siguro nga, hindi pa ito yung tamang oras ko para pumasok sa ganoong klase ng relasyon." ngiti niyang sabi kaya mas napatitig ako sakaniya.

Matapos ang pagkain namin sa labas ay umuwi na rin kami ni Zenaida. And I have no intention na mag-stay pa doon dahil may gagawin na rin sila Kourtney lalo na't may bago siyang kaso na hahawakan pero hindi naman daw gano'n kalaki kaya hindi na kailangan ni Clarence na tumulong sakaniya.

"Ah, Manang, nalinis na po ba yung working room?" tanong ko kay Manang. Nasa itaas na si Zenaida dahil nagpaalam siyang magpapalit na. "Kailangan ko na po iyon dahil may tatrabahuhin ako."

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon