40

7 1 1
                                    

Jack's POV













"Miss, sure ka t-talaga na walang flight ngayon Malaysia?" tanong ko pang muli sa babae. Tumutunog na sa aking tinig ang desperidad dahil sa kasabikan na nararamdaman ko para makita na ang mga magulang ko. "S-sa pagkakaalam ko t-talaga.. dito sila sa airline niyo lalapag, eh.."

"Wala po talaga, Sir eh.. Ah, Denden," kalabit niya sa isa pang babae. "Paki-check nga kung saan may Malaysia flight na airline."

"Ah, okay,"

Habang nagsesearch silang dalawa ay ako itong paulit-ulit na kinocontact sila Mama. Kung hindi si Mama ay si Papa ang kinocontact ko pero ni isa sakanila ay walang sumagot doon. Ni text ko ay wala silang isinagot. Palaging sinasabi ng kabilang linya ang 'Cannot be reach'. Kaya hindi ko na rin maiwasang makaramdam ng pag-aalala.

"Sir," tawag nung dalawang babae na tumutulong sa akin. "Ah, wala po talagang flight ngayon ang Malaysia sa kahit anong airline.. Baka po bukas pa ang available na flight from Malaysia, pasensya na po.."

"S-sige, salamat na lang.. Sorry sa abala," pilit ang ngiti ngunit sinserong sabi ko bago na matamlay na lumabas ng airline.

Namumuo ang mga likido sa mga mata ko at nabablangko ako ngayon. Nasa kalahati na ako ng parking lot at bigla akong napahinto dahil pati yata ang buong katawan ko ay nawalan ng gana. Una, wala si Kesh. Pangalawa, wala sila Mama't Papa na inaakala kong makikita ko na. Pero paano kasi sila nakabili ng ticket sa Malaysia kung wala namang flight dito sa Pilipinas from the country? Nakakapagtaka rin.. Hindi kaya delay?

Pero hindi naman siguro magbibigay ng tickets ang isang airline sa ibang bansa kung hindi pa available ang flight, at gano'n din dito sa loob ng bansa. Hindi sila magpapapasok ng mga eroplano na galing sa mga hindi pa available na bansa upang mailapag dito.

Kataka-taka.

Pero hindi iyon ang nasa isip ko ngayon.. Sobrang nalulungkot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Tila nawala sa isip ko ang direksyon kung saan ba ako uuwi.

Dahil iyong mga tahanan ko ay siyang nawawala rin.

"Ano ng gagawin ko?" bulong ko at napatakip sa mukha para sana ibuhos doon ang pagluha ko. Kasabay non ang pagdilim ng kalangitan, ang pagsakop ng kadiliman sa paligid na mas ipinagtataka ko.

Sumimoy ang isang malamig na hangin ngunit pinataas lamang non ang mga balahibo ko na tila ba nagsesenyas ng pagkabahala.

Agad-agad akong napalingon sa likuran, doon sa may airline nang makarinig ng sigawan. Nawalan ng koryente ang paligid, ultimong iyong mga street lights ay nawalan din.

"N-nag-brown out ba--mmmppp!!"

Tila nalaglag ang puso ko nung may biglang humablot sa akin at hindi ko pa napoproseso iyon nung maramdaman kong may tumabon sa bibig at ilong ko at nakaamoy ako ng kung ano doon hanggang sa maramdaman kong unti-unting nanlalanta ang katawan ko. At bago ako makapikit at magpalamon sa panghihina ay hindi ko man lang nakita kung sino ang may kagagawan non.

*TIK... TOK... TIK... TOK... TIK... TOK...*

"Rise and Shine, Prince..."

Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata at napakunot pa ang noo nang maramdaman ang pagkahilo at sakit ng ulo. Pakiramdam ko tuloy ay magdamag na nawalan ng malay ang katawan ko. "A-aray.." bulong ko nung sunod kong maramdaman ang kakaibang hapdi sa mga pulsuhan ko na tila ba nasasakal iyon ng kung ano.

Nung tignan ko iyon ay dahan-dahang nagising ang diwa ko dahil sa mga lubid na nakapulupot doon. Iyon bang akala mo ay matatanggal iyon kapag sinubukan kong hatakin!

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon