15

15 1 1
                                    

Zeke's POV







Maaga akong gumising kinabukasan para linisan ang kwartong tinutulugan ko. Para s'yempre hindi ako mapalayas ni Sir Jack dito. Sabihin panay lang ang pagtambay at pagtulog ko dito tapos hindi naman ako naglilinis.. Wala akong uuwian! "Wow! Ang ganda naman ng araw!" ngiti kong saad.

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto at masasabi kong sobrang ganda ng sikat ng araw. Hindi naman masyadong tumatama sa balat ko ang sikat ng araw dahil may bubong iyon pero kahit ganoon ay makikita mo pa rin ang ganda ng kapaligiran.

Ipinatong ko ang mga palad doon sa may semento na patungan at tumitig sa paligid. Puro puno ang nakikita ko at dahil medyo may kataasan ang palapag ng silid na ito ay nakikita ko ang iilang bahay na malapit dito sa bahay. Actually, sa lahat ng bahay dito. Kay Sir Jack ang pinakamalawak at mataas. Masasabi kong maganda din ang pagkakagawa dito kumpara sa ibang bahay.

Ipinili ni Sir Jack na itayo ang sariling bahay doon sa tahimik at hindi masyadong dalawin ng mga maiingay na siya namang nagustuhan ko din. Gusto ko iyong tahimik na kapaligiran at ayaw ko nang masyadong maingay. Doon sa tinitirahan namin nila Papa, barangay kasi iyon at nakapwesto ang bahay namin kung saan napakaraming nagsisigawan na kapit-bahay. Mapaloob ng bahay o mapalabas pa iyan.

Pero hindi naman ako nagrereklamo dahil hangga't kasama ko si Papa, magiging maayos ang lagay ko.. "Hay.. miss ko na si Papa," bulong ko sa sarili at napagdesisyunan nang pumasok ulit para trabahuhin ang trabaho ko.

Ngunit nung akma na sana akong papasok ay napalingon ako sa kabilang gilid. Sa bandang kaliwa. Nandoon si Sir Jack na nakaupo sa isang upuan habang umiinom siya ng kape. Hula kong kagagaling niya lang sa pagligo dahil basa pa ang buhok niya at naka-puting bath robe pa siya.

"Sir Jack!" tawag ko kaya dali-dali siyang napalinga sa paligid.. "Dito po!" kaway ko para maagaw ang atensyon niya. Doon siya napalingon sa akin kaya binigyan ko na agad siya ng ngiti.

"Zenaida.."

"Magandang umaga.." nakangiti kong bati ngunit hindi siya tumugon.. Tumitig lamang siya sa akin na animo'y natulala siya dahil hindi niya inaasahan ang pagbati ko.

'M-may.. nasabi ba--ZENAIDA! Ikaw naman! 'Wag mo na siyang babatiin ulit! Baka nagalit siya sa akin! HUHUHU! Sir Jack! 'Wag niyo muna akong palayasin!'

"G-good morning.." ako naman ang napatigil nung bumati siya pabalik. Umiwas siya ng tingin na siyang ikinanguso ko..

'Suplado.'

Hindi ko in-eexpect na may pagka-suplado pala si Sir Jack. Binati niya lang naman ako sa seryosong paraan at hindi pa nakangiti. Ayaw niya sa akin? Siguro..

"Hay.." buntong-hininga ko na lang at pumasok na saka ako kumuha ng vacuum mula sa ibaba saka ako nagsimula nang maglinis.

Hindi naman masyadong maalikabok dahil hula kong palaging nililinis ito ng mga kasama sa bahay ni Sir Jack. Kahit walang bisita o dumadalaw na tao dito, palagi nilang nililinis. Iyon ang napansin ko kagabi. Gising pa kasi ako nung mga oras na mag-aalas dose na. Lahat sila ay naglilinis sa bawat parte ng bahay at ultimong iyong bawat sulok ay tinitiyak nilang malinis. Kaya nga nakakabilib ang mga kasam-bahay dahil kaya nilang gawin lahat.

Ilang oras ang lumipas ay tapos na ako. Iyong higaan ay walang kalukot-lukot. Iyong lamesa ay wala na ding kalat. Kaya pumasok na ako sa banyo para maglinis ng katawan dahil pinagpawisan ako doon.

Pagpasok ko ng banyo, hindi ko nanaman naiwasang mamangha dahil sa laki non. Aakalain ko na ngang isa din itong kwarto dahil sobrang laki talaga. Tapos napakarami pang mga bagay na hindi ko nakikita sa banyo namin. Katulad ng bath tub. Tapos yung inidoro sa gilid na may katabing bidet at tissue. Iyong sink naman ay may salamin na parihaba na nakatayo at sa ibang parte pa ay may mga racks kung saan matatagpuan ang mga twalya doon at mga bath robe.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon