44

9 1 1
                                    

Jack's POV










"Hindi na tayo pwedeng pumasok pa mismo sa loob niyan.. Kailangan nating umikot dahil paniguradong may pinasukang lagusan si Zenaida Keshara," pahiwatig ni Dandelion kaya napatango-tango na ang mga agents. Naghahanda na sila para bumalik sa loob at kuhanin si Kesh, at nagsisimula na rin akong kabahan dahil sa sitwasyon namin. Nailigtas nga kami nila Mama, naiwan naman ang girlfriend ko sa loob..

'Kesh, ano ba talagang binabalak mo??'

"Tama si Dandelion. Masyado nang marami ang tao sa may nilabasan naming pintuan, pati na rin doon sa entrance. Ang tanging dapat nating gawin ay lakbayin yung pinakalikod at dulo ng gusali kung saan natin matatagpuan yung karagatan. Mula kasi dito sa kinatatayuan natin, hindi kalayuan ang isang karagatan papunta na iyon sa kabilang siyudad. Sinadya iyon ni Winstone Snape para madali siyang makawala kung sakaling ma-corner na siya." pananalita naman ni Xina. "Kaya hangga't maari, 'wag tayong gagawa ng ingay papunta sa likuran dahil paniguradong walang pagdadalawang-isip na tayong pagtutumpukan ng mga tauhan pa ni Snape."

Napatango-tango naman sila at doon na kumilos si Agent Wings. Ang mga agents na naka-standby lamang sa mga helicopters at kotseng dala nila ay dali-dali nang nagsikilos para maghanda sa pag-alis nila.

"Anak, ano bang nangyayari?" napalingon naman ako kila Mama na siyang halatang naguguluhan sa mga nangyayari. "S-sinong.. sinong Heiress? Anong.. ano 'tong mga 'to? B-bakit may mga agents, may mga kung ano?? S-sinong i-ililigtas nila??"

Sabay kaming nagkatinginan ni Dandelion dahil doon at mukhang wala siyang balak magsalita dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang sinesanyasan akong ako na mismo ang magsabi dahil mas maiintindihan nila ako.

Tumikhim ako at humarap sa mga magulang ko bago nakangiti silang pinagmasdan. "Uhmmm, naalala niyo pa po.. yung nabanggit ko sa inyo bago kayo makauwi dito sa Pilipinas? Y-yung.. may ipapakilala po ako.. sa inyo?"

Nagkatinginan namn sila bago sabay na tumango.. "Oum!"

"Y-yung tinutukoy po nilang Heiress, siya po yung.. ipapakilala ko sa inyo.." nakangiti kong saad kaya sabay nang napatigil ang mga magulang ko. Kita ko sa mga mata at mukha nila ang gulat at hindi makapaniwala. "..siya po yung girlfriend ko.. At ang pangalan niya po.. ay Zenaida Keshara."

Agad napahawak si Mama sa mga balikat ko at halos matawa ako nung makitang kumislap ang mga mata niya. "Z-zenaida Keshara?! SIYA YUNG BABAENG CRUSH MO NOONG KOLEHIYO, HINDI BA?"

"M-maaa!" nahihiya kong saway at napamasid pa sa paligid ko. Mas nadagdagan pa ang hiya ko nung makitang nakatingin sa amin sila Agent Wings, Xina at iyong iba pang agents, at pare-pareho lang silang nakangisi sa akin na tila ba hindi rin nila inaasahan iyon. "Mama n-naman.. H-hindi niyo naman po k-kailangang s-sabihin ng m-malakas.."

"Aba bakit hindi?! Anak, nakakatuwa iyon! Noon lang kinukwento mo sa aming crush na crush mo yun, tapos ngayon nobya mo na?! KUNWARI KA PANG HINDI KUNWARI INTERESADO SA PAG-NOBYA! Pero hayan ka! Yiee!" pisil niya sa pisnge ko kaya nakagat ko na ang labi dahil sa sobrang hiya. Nakakainis na! "P-pero.. Paano siyang nakapasok s-sa loob pala?"

Doon na ako napatikhim at hinawakan ang kamay niya sa balikat ko at hinaplos iyon. "Galing po si Zenaida Keshara sa pamilya ng La Fuerte at Aguilar."

Napatigil naman agad ang pareho kong magulang dahil sa inanunsyo ko, ngunit nadagdagan na iyon ng gulat nung dagdagan ko pa.

"At siya rin ang taga-pagmana ng La Fuerte."

Alam kong kilalang-kilala nila Papa ang pamilya nila Kesh. At kahit naman ako nung una ay hindi makapaniwala na parte pala ng pamilyang iyon si Zenaida ngunit ang mas ikinagulat ko pa ay siya ang taga-pagmana ng La Fuerte Family. Kaya hindi na rin ako magtataka kung magugulantang sila Mama.

Sweet PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon